Nov.12

Demographic Sweet Spot: Ito ang magandang panahon para mag-invest.

Noong 2015 ang ating bansa ay pumasok sa tinatawag na Demographic Sweet Spot at ito ay inaasahang matatapos hanggang sa taong 2050. Ang bansa natin ay isa sa mga pinakamabilis lumago na ekonomiya sa mga bansa sa ASEAN. Nararanasan na natin ang paglago na naranasan ng mga mayayaman na nasyon  bago pa man gumanda ang kanilang ekonomiya. Bawat taon ay nag-average ng  paglago ang kanilang Gross Domestic Product o GDP ng 7.3%  na maaring mangyari na din sa ating bansa. Isipin mo ang mga bansa tulad ng Japan, Hongkong, Singapore, Thailand at China na ang kanilang ekonomiya ay malago.

Ito ang nangyaring Demographic Sweet Spot sa Japan at China. Dito ay nangyari na ang paglago ng kanilang ekonomiya. Hindi na maiiwasan na tayo na ang susunod.

Ano ba ang demographic sweet spot?

Ang Demographic sweet spot ay ang pagkakataon na 60 porsyento ng populasyon ng isang bansa ay umeedad mula 16 hanggang  64. Ito ang mga edad na ang populasyon ng isang bansa na produktibo ang mga mamamayan. Kumbaga, ito ang mga panahon na nasa mataas na antas ng pagiging produktibo ng isang tao para maghanap-buhay at kumita.Ang mga Pilipino sa mga panahon ngayon ay tumataas ang disposable income dahil kumikita kaya lumalago ang ating ekonomiya kasi meron ng pambili si Juan Dela Cruz. Tayo ay matuturing na consumption-driven economy dahil tayo ay mahilig gumastos at nakakatulong ito sa ating ekonomiya.

Bakit may pang-gastos ang mga Pilipino?

Bukod sa mga bata ang karamihan sa ating mga mangagawa ay meron pang mga dahilan kung bakit mas lalong lalago ang ating bansa. Meron tayong  kita sa Business Process Outsourcing or trabaho mula sa mga call centers, mga padala ng ating mga Overseas Filipino Workers, mababa ang interest rate ng mga nagpapautang na banko, merong mga proyekto na Build,Build,Build  ang gobyerno at mga pribadong kumpanya, meron tayong mga manufacturing hubs, turismo at iba iba pang opportunidad sa ating bansa.Samakatuwid, ay madaming pwedeng makuha na hanapbuhay ang karamihan sa ating mga Pilipino dahil sa mga oportunidad sa ating bansa.

Subalit, hindi pa din maalis na may mga suliranin pa din tayong dapat harapin kahit nasa demographic sweet spot na tayo. Ito ay ang unemployment rate, pulitika, terorismo, kurapsyon, kakulangan ng mga imprastraktura at iba pa. Kailangan lang nating malaman kung paano natin i-posisyon ang ating sarili sa paglago ng ekonomiya. Kung ikaw ay naghahanap buhay o kaya ay nagnenegosyo ay maaring masabi mo na hindi ka naman nakikinabang sa ekonomiya natin ngayon, pero pwede ka makinabang sa pamamagitan ng pag-invest sa ating ekonomiya at isa dun ay ang pag-invest sa stock market.

Paano ka ba makikinabang sa paglago ng ating ekonomiya sa stock market?

Maari kang makinabang sa ating ekonomiya kung ikaw ay mag-iinvest sa stock market. Lalago ng lalago ang ating ekonomiya kada taon at ang karamihan sa ating mga Pilipino ay maghahanap buhay at magkakaroon ng pera na pambili. Kanino magsisibilihan ang mga Pilipino pag may pera na? Pupunta tayo kay SM,Robinsons Malls, mag-dedeposito ng pera sa BPI, BDO, Metrobank, bibili ng bahay at lupa sa Ayala, Megaworld, SMDC, magbabayad ng kuryente sa Meralco, mag-iinternet at mag-load gamit ang Globe at PLDT at kung ano ano pa. Ang mga kumpanyang ito ay siguradong kikita dahil ito ay bibilihin ng mga Pilipino. Maari kang kumita kung ikaw ay magiging may-ari ng mga kumpanya na ito. Kapag kikita sila ay kikita ka din at ang mga kumpanyang ito ay hindi naman magsasara basta basta. Sa palagay mo ba ay magsasara ba kaagad si SM? Paano naman si Meralco? Si BPI kaya? Sa tingin ko ay subok na ang mga kumpanyang iyan. Samakatuwid,kung ikaw ay magkakaroon ng shares sa mga kumpanyang ito ay makakasama ka sa paglago ng kanilang  kumpanya at ikaw ay kikita. Maari lang  itong mangyari kung tayo ay mag-iinvest sa mga kumpanyang ito  sa stock market.

Kung maglalagay ka sa Stock Market sa isang pooled fund  na magkaroon ka ng shares sa mga blue chip companies sa stock market at kung kikita ito ng 8% bawat taon ay ang pera mo dito  ay lalago. Kung maglalagay ka ng Ph100 per day or Ph3,000 per month sa loob lang ng sampung taon ay ito ang pwede mong kitain.

Sa ika-sampung taon ang fund mo ay maaring maging Ph521,516.25 na at kung hindi mo pa ito kukunin sa ika-dalawampung taon ay may Ph1,125,914.47 ka na at kung plano mo mag-withdraw pag ikaw ay 65 years old na ay may Ph5,247,839.7 ka na. Ito ay sa assumption na 8% na average interest rate bawat taon na mahigit na malaki kesa mag-lagay ka sa bangko.

Ito ay maari mong magamit para sa iyong gastusin para sa hinaharap dahil pwede mo itong ma-withdraw in full or  in partial. Pwede mo ito  pambayad sa tuition fees sa mga anak mo, pampondo sa pangarap mong negosyo, pambili ng bahay at lupa, retirement at iba pa. Paano kung mas malaki pa ang pwede mong mailagay sa investment mo ay mas malaki din ang pwedeng mong makuhang pera sa future.

Ang pag-invest sa stock market ay isang paraan para mapalago ang iyong pera lalong lalo na sa panahon na nasa Demographic Sweet Spot na ang isang bansa. Kaya, pansinin mo na ang mga foreigners ay nag-iinvest sa ating stock market dahil naniniwala sila na ang mga kumpanya sa ating bansa ay mapapalago ang kanilang pera pero tayong mga Pilipino ay karamihan sa atin ay hindi nag-iinvest sa ating stock market. Kaya pag kumita ang mga foreigners ay mag-pull out sila ng kanilang pera at mapapansin mo na bababa ang ating Philippine Stock Exchange Index o PSEi.  Ang PSEi ay ang nagsasabi kung ano ang kalusugan ng Philippine Stock Market. Kaya ngayon na naintindihan mo na ang ating ekonomiya ay lalago ng lalago dahil nasa demographic sweet spot  na tayo hanggang 2050 ay dapat na simulan mo na mag-invest sa ating stock market. Huwag  tayong pumayag na puro dayuhan lang ang kikita sa ating bansa. Huwag tayong magpapahuli para mag-benefit tayo sa paglago ng ating ekonomiya.

 

References:

http://www.bsp.gov.ph/events/pcls/downloads/2015/BSP_2b_mapa_presentation.pdf http://business.inquirer.net/85960/philippines-in-demographic-sweet-spot-says-clsa-study http://investmentjuan01.com/2014/06/29/juan-liners-demographic-sweet-spot-and-other-drivers-or-show-stoppers-of-philippine-economy/ http://business.inquirer.net/173451/heading-toward-an-economic-miracle

Demographic Sweet Spot photo taken from Alijeffty Gonzales’ presentation.

 

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Personal Finance,Financial Planning,stock market,Pooled Funds

Nov.07

Paano ba ang mag-invest sa Stock Market?

Kung aaralin mo ang pag-invest sa stock market ay maari mo mapalago ang pera mo sa pagbili ng shares sa mga kumpanya na nakalista sa stock market. Ang stock market ay lugar kung saan merong bumibili at nagbebenta ng mga shares ng mga kumpanya. Kung ikaw ay bibili ng shares ng isang kumpanya ay magiging isa ka na sa may ari ng kumpanya. Kaya pag sila ay kikita ay kasama ka na kikita subalit kung ang nabili mo ay malulugi ay kasama ka din na malulugi.

Merong dalawang paraan kung paano ka makapag invest sa stock market:

1. Stock Broker. Pwede kang mag-invest ng diretso na bumili ng shares ng stocks sa stock broker. Pwede kang tumawag sa traditional stock broker or mag-open ng on-line account para bumili ng shares ng stocks. Ikaw na mismo ang pipili kung anong kumpanya ka mag-iinvest. Dito ay ikaw ang gagawa ng Fundamental Analysis at Technical Analysis para matutukan mo at huwag mawala ang pera mo lalo na pag basura stock ang nabili mo ay maaring maubos ang pera mo. Ang dami ng companies na mapaglalagyan mo ay depende sa pera na kaya mong ilagay dahil minsan ang isang share ng isang company ay Ph2,000 at minimum number of shares to buy ay 5 shares kaagad,dito Ph10,000 kaagad ang kelangan mo ilagay. Pero pag natutunan mo ang pag-invest diretso sa stock market ay mas malaki ang pwede mong kitain pero ang risk ay mas mataas kaya advisable na ito ay bantayan at aralin palagi.

2. Pooled Funds. Dito ay may professionals na pwede na maghandle ng pera mo para mapalago sa stock market. Sila ay ang mga fund managers ng mga investment companies na may mga experience na sa pagpili ng mga kumpanya na inaral na nila na kikita for long-term. Dito ay maraming kumpanya na ang mapaglalagyan ng pera ng investors dahil ito ay nakakalat na. Madalas ay may mga 20 hanggang 30 companies ang paglalagyan ng pera ng investors na kung iisipin ay nasa isang basket na kaya ikaw ay diversified na. Ito ay actively well-managed,kung sa 30 companies na paglalagyan ng pera ng fund managers ay may 10 companies na hindi kikita ay aalisin nila ito at papalitan ng mga kumpanya na kumikita. Sa pooled funds ay hindi mo na kelangan aralin kung anong kumpanya ba ang magandang paglagyan ng pera mo dahil fund managers na ang gagawa nun sa iyo para kumita. Ang risk dito ay hindi kasing taas  kung ikaw mismo ang mag-manage ng investment mo sa stock market.

Ano man ang mapili mo na paraan kung mag-invest ka sa stock market ay depende sa risk na kayang i-handle ng isang tao. Maaring ang isang tao ay may oras sya para aralin ang trend ng pagtaas at pagbaba ng stock market at willing sya na magrisk ay pwede nyang gawin ito na mag-isa at dumiretso sya sa stock broker. Samantala,kung ang isang tao naman ay walang panahon para mag-fundamental/technical analysis ay ipaubaya nya sa mga professionals kung paano i-invest ang kanyang pera sa stock market ay maari syang pumunta sa pooled funds na ang risk ay hindi ganun kataas.

Maaring gawin itong pareho o isang paraan lang. Kahit ano man ang mapili ay maaring kumita sa stock market kung ito ay matutunan. Sa pag-iinvest sa stock market ay maaring kumita ang pera mo mula 4%-20% on average bawat taon long-term na pwede magamit para sa mga financial goals mo sa future tulad ng retirement, pagpapa-aral sa mga anak pang-kolehiyo, pambili ng bahay at lupa at iba pa. Subalit dapat maging handa ka din sa risks sa pag-iinvest sa stock market dahil merong volatility o pagtaas at pagbaba ng presyo ng shares na mararanasan habang nag-iinvest kaya mas maganda na kung mag iinvest ka ay maglagay ka ng pera for long-term para ang risk ay ma-manage.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607, 0923-4941362

 

Personal Finance,Financial Planning,stock market,Pooled Funds