Bakit Mahalaga Ang Buffer Fund?

Ang pag-iipon ng pera ay isang magandang makasanayan na gawain dahil ito ang pundasyon para makamit ang magandang kinabukasan. Sa pag-iipon ay binabayaran mo din ang sarili mo para may magamit  sa gastusin sa hinaharap. Pero dapat ay hindi lang tayo palaging mag-iipon dahil pag puro lang tayo ipon sa bangko ay hindi naman lalago ang ating pera.  Mahalaga din na dapat ay palaguin natin ang ating kaalaman na patungkol sa pampinansyal. Kung mag-iipon ka ay dapat meron kang dahilan kung bakit mo iyon gagawin.

Sa blog na ito ay alamin natin ang buffer fund. Ang buffer fund ay ang ipon na pwedeng mong mapagkunan ng pera kapag nagkaroon ng gastusin na hindi inaasahan. Ang mga gastusing ito ay kelangan mo kaagad bayaran kasi pag hindi mo nabayaran ay siguradong lalong lalaki ang problema. Ang mga emergency expenses ay katulad ng biglang may na-ospital na mahal mo sa buhay, nasira ang kotse mo, may kailangang bayaran sa eskwelahan ng anak mo ng biglaan, nasira ang bubong ng bahay, nawalan ka ng trabaho, nagkasakit ka at iba pa.

 Dapat malaman natin kung kelan natin gagamitin ang buffer fund kasi kung hindi ay mauubos mo din ito. Hindi mo masasabi na emergency expense ang SALE sa mall para mamili ka, biglang nagyaya ang mga ka-trabaho mo na mag-out of town na hindi mo naman pinaghandaan, pa-birthday pakain mo sa bahay na wala sa plano, bibili ng  bagong cellphone para makasabay lang sa uso at iba pa. Ang idea dito ay gagamitin mo lang ang buffer  fund mo sa mga talagang kailangan na gastusin at hindi mo ito gagamitin kung hindi naman kelangan kaaagad dahil kung may gusto kang bilhin ay dapat naka-plano ang pag-gastos.

Magkano ba dapat ang buffer fund na meron ka?

Kung ikaw ay may regular na trabaho ay magtabi ka ng 1 hanggang 3 buwan na gastusin mo sa bangko. Halimbawa ay gumagastos ka ng Ph20,000 sa isang buwan para sa iyong sarili at pamilya mo ay dapat meron kang Ph60,000 na buffer fund.

Kung ikaw naman ay walang regular na income dahil maaring self-employed ka or nag-nenegosyo ka ay dapat may nakatabi ka na 3 buwan hanggang 6 na buwan mong gastusin  sa bangko.Halimbawa ay gumagastos ka ng Ph30,000 sa isang buwan para sa iyong sarili at pamilya mo ay dapat meron kang  Ph180,000 na buffer fund.

Ang buffer fund ay mahalaga dahil ito ay ang magsisilbing pondo mo na mapagkukunan kung sakaling may mga gastusin na hindi inaasahan. Hindi mo na kelangan mangutang kung kelanganin mo ng pera. Ito ay dapat nakalagay sa bangko na iyong savings account na madali mong ma-withdraw para pag kinailangan mo ay makukuha mo kaagad. Ang pagbuo ng buffer fund ay dapat na unti-untiing simulan sa tamang pagtatabi ng pera sa tuwing kumikita. Gamitin ang formula na Income Minus Savings=Expenses para epektibo ang pag-iipon.

Sa tuwing magagamit mo ang buffer fund ay dapat mo din itong palitan hanggang sa mabuo mo ulit ito, mas maganda na manghiram ka sa sarili mong pondo kesa manghiram ka pa sa iba na sa madalas na pagkakataon ay nagkakaroon pa ng samaaan ng loob kung hindi ito kaagad nababayaran. Ngayon, pag meron ka ng buffer fund ay maari ka na ngayon mag-diversify para mapalago mo na ang iyong pera at ma-proteksyonan mo din ang iyong sarili. Kaya umpisahan mo ng buuin ang iyong buffer fund.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Savings,Personal Finance,Financial Planning