Demographic Sweet Spot: Ito ang magandang panahon para mag-invest.
Noong 2015 ang ating bansa ay pumasok sa tinatawag na Demographic Sweet Spot at ito ay inaasahang matatapos hanggang sa taong 2050. Ang bansa natin ay isa sa mga pinakamabilis lumago na ekonomiya sa mga bansa sa ASEAN. Nararanasan na natin ang paglago na naranasan ng mga mayayaman na nasyon bago pa man gumanda ang kanilang ekonomiya. Bawat taon ay nag-average ng paglago ang kanilang Gross Domestic Product o GDP ng 7.3% na maaring mangyari na din sa ating bansa. Isipin mo ang mga bansa tulad ng Japan, Hongkong, Singapore, Thailand at China na ang kanilang ekonomiya ay malago.
Ito ang nangyaring Demographic Sweet Spot sa Japan at China. Dito ay nangyari na ang paglago ng kanilang ekonomiya. Hindi na maiiwasan na tayo na ang susunod.
Ano ba ang demographic sweet spot?
Ang Demographic sweet spot ay ang pagkakataon na 60 porsyento ng populasyon ng isang bansa ay umeedad mula 16 hanggang 64. Ito ang mga edad na ang populasyon ng isang bansa na produktibo ang mga mamamayan. Kumbaga, ito ang mga panahon na nasa mataas na antas ng pagiging produktibo ng isang tao para maghanap-buhay at kumita.Ang mga Pilipino sa mga panahon ngayon ay tumataas ang disposable income dahil kumikita kaya lumalago ang ating ekonomiya kasi meron ng pambili si Juan Dela Cruz. Tayo ay matuturing na consumption-driven economy dahil tayo ay mahilig gumastos at nakakatulong ito sa ating ekonomiya.
Bakit may pang-gastos ang mga Pilipino?
Bukod sa mga bata ang karamihan sa ating mga mangagawa ay meron pang mga dahilan kung bakit mas lalong lalago ang ating bansa. Meron tayong kita sa Business Process Outsourcing or trabaho mula sa mga call centers, mga padala ng ating mga Overseas Filipino Workers, mababa ang interest rate ng mga nagpapautang na banko, merong mga proyekto na Build,Build,Build ang gobyerno at mga pribadong kumpanya, meron tayong mga manufacturing hubs, turismo at iba iba pang opportunidad sa ating bansa.Samakatuwid, ay madaming pwedeng makuha na hanapbuhay ang karamihan sa ating mga Pilipino dahil sa mga oportunidad sa ating bansa.
Subalit, hindi pa din maalis na may mga suliranin pa din tayong dapat harapin kahit nasa demographic sweet spot na tayo. Ito ay ang unemployment rate, pulitika, terorismo, kurapsyon, kakulangan ng mga imprastraktura at iba pa. Kailangan lang nating malaman kung paano natin i-posisyon ang ating sarili sa paglago ng ekonomiya. Kung ikaw ay naghahanap buhay o kaya ay nagnenegosyo ay maaring masabi mo na hindi ka naman nakikinabang sa ekonomiya natin ngayon, pero pwede ka makinabang sa pamamagitan ng pag-invest sa ating ekonomiya at isa dun ay ang pag-invest sa stock market.
Paano ka ba makikinabang sa paglago ng ating ekonomiya sa stock market?
Maari kang makinabang sa ating ekonomiya kung ikaw ay mag-iinvest sa stock market. Lalago ng lalago ang ating ekonomiya kada taon at ang karamihan sa ating mga Pilipino ay maghahanap buhay at magkakaroon ng pera na pambili. Kanino magsisibilihan ang mga Pilipino pag may pera na? Pupunta tayo kay SM,Robinsons Malls, mag-dedeposito ng pera sa BPI, BDO, Metrobank, bibili ng bahay at lupa sa Ayala, Megaworld, SMDC, magbabayad ng kuryente sa Meralco, mag-iinternet at mag-load gamit ang Globe at PLDT at kung ano ano pa. Ang mga kumpanyang ito ay siguradong kikita dahil ito ay bibilihin ng mga Pilipino. Maari kang kumita kung ikaw ay magiging may-ari ng mga kumpanya na ito. Kapag kikita sila ay kikita ka din at ang mga kumpanyang ito ay hindi naman magsasara basta basta. Sa palagay mo ba ay magsasara ba kaagad si SM? Paano naman si Meralco? Si BPI kaya? Sa tingin ko ay subok na ang mga kumpanyang iyan. Samakatuwid,kung ikaw ay magkakaroon ng shares sa mga kumpanyang ito ay makakasama ka sa paglago ng kanilang kumpanya at ikaw ay kikita. Maari lang itong mangyari kung tayo ay mag-iinvest sa mga kumpanyang ito sa stock market.
Kung maglalagay ka sa Stock Market sa isang pooled fund na magkaroon ka ng shares sa mga blue chip companies sa stock market at kung kikita ito ng 8% bawat taon ay ang pera mo dito ay lalago. Kung maglalagay ka ng Ph100 per day or Ph3,000 per month sa loob lang ng sampung taon ay ito ang pwede mong kitain.
Sa ika-sampung taon ang fund mo ay maaring maging Ph521,516.25 na at kung hindi mo pa ito kukunin sa ika-dalawampung taon ay may Ph1,125,914.47 ka na at kung plano mo mag-withdraw pag ikaw ay 65 years old na ay may Ph5,247,839.7 ka na. Ito ay sa assumption na 8% na average interest rate bawat taon na mahigit na malaki kesa mag-lagay ka sa bangko.
Ito ay maari mong magamit para sa iyong gastusin para sa hinaharap dahil pwede mo itong ma-withdraw in full or in partial. Pwede mo ito pambayad sa tuition fees sa mga anak mo, pampondo sa pangarap mong negosyo, pambili ng bahay at lupa, retirement at iba pa. Paano kung mas malaki pa ang pwede mong mailagay sa investment mo ay mas malaki din ang pwedeng mong makuhang pera sa future.
Ang pag-invest sa stock market ay isang paraan para mapalago ang iyong pera lalong lalo na sa panahon na nasa Demographic Sweet Spot na ang isang bansa. Kaya, pansinin mo na ang mga foreigners ay nag-iinvest sa ating stock market dahil naniniwala sila na ang mga kumpanya sa ating bansa ay mapapalago ang kanilang pera pero tayong mga Pilipino ay karamihan sa atin ay hindi nag-iinvest sa ating stock market. Kaya pag kumita ang mga foreigners ay mag-pull out sila ng kanilang pera at mapapansin mo na bababa ang ating Philippine Stock Exchange Index o PSEi. Ang PSEi ay ang nagsasabi kung ano ang kalusugan ng Philippine Stock Market. Kaya ngayon na naintindihan mo na ang ating ekonomiya ay lalago ng lalago dahil nasa demographic sweet spot na tayo hanggang 2050 ay dapat na simulan mo na mag-invest sa ating stock market. Huwag tayong pumayag na puro dayuhan lang ang kikita sa ating bansa. Huwag tayong magpapahuli para mag-benefit tayo sa paglago ng ating ekonomiya.
References:
Demographic Sweet Spot photo taken from Alijeffty Gonzales’ presentation.