Nov.27

Saan Ba Napupunta Ang Kinikita Mo? Sa Past, Present o Future?

Sa tuwing tayo ay kumikita ay dapat malaman natin kung saan ba napupunta ang ating pera. Maintindihan natin na hindi tayo laging may pagkakataon na kumita dahil darating ang araw na titigil tayo maghanapbuhay. Hindi maiiwasan na tayo ay tatanda,maaring magkasakit, ma-baldado o di kaya ay mamatay kaya dapat tayo ay may paghahandang pampinansyal para sa ating sarili at sa ating mga mahal sa buhay.

Saan ba napupunta ang kinikita mo?

Past

Ang pera mo ay sinangla mo na dahil bumili ka ng isang bagay na iyong inutang. Hindi pa dumarating ang suweldo mo ay alam mo ng hindi na ito sa iyo dahil ipapambayad mo na ito sa utang mo na may interest. Dito ay matatalo ka sa interest na inutang mo lalo na kung liability naman ang binili mong bagay na hindi tataas ang halaga at hindi naman sa iyo magbibigay ng kita.

Present

Ang pera mo dito ay napupunta sa mga pangangailangan mo ngayon.  Lahat ng kinikita mo ay ngayon mo na lahat inuubos na para bang wala ng darating na bukas. Ito ay madalas na nangyayari sa isang tao na may paniniwalang ubos biyaya o  YOLO kaya nung tumanda at nagretiro ay aasa sa mga kamaganak o mga kaibigan.

Future

Ang pera mo ay inilalagay mo sa investment na hindi mo gagamitin ngayon dahil ito ay gagamitin mo sa mga gastusin mo sa hinaharap. Ito ay isang matalinong paraan para ma-seguro mo ang hinaharap. Dito mo ilalagay ang pera na para sa iyong retirement, pagpapa-aral sa iyong mga anak, pondo mo kung magkasakit ka at mga mahal mo sa buhay, pambili ng bahay at lupa, pera na pang-negosyo at iba pang mga goals sa  buhay.

Marami kang mapagpipilian na mga financial instruments para ka makapag-invest para sa iyong gastusin sa future. Isa dito ay ang tinatawag na Variable Unit Linked or VUL. Kung ikaw ay maglalagay ng small portion ng kita mo sa VUL ay magkakaroon ka na ng Life Insurance,Riders,Investment at Savings. Gawin mo itong habit na mag-invest hanggang sa edad na 60.

Sa itatabi mo na Ph100 bawat araw ay ito ang mga benepisyo na pwede mo makuha. Ito ay katumbas ng Ph3,000 bawat buwan o Ph36,000 bawat taon. Gawing habit na maglagay ng maliit na portion ng iyong kita hanggang 60 years old at ikaw ay makakakuha ng mga benepisyo.

Sa assumption na ito ay ang edad 24 at magkakaroon sya ng Ph1,000,000 Life Insurance Coverage.

Ang kanyang pera dito ay lumalago dahil ito ay ilalagay sa pooled fund sa equities na ini-invest sa mga malalaking kumpanya sa stock market. Nag-average ng annual interest returns ito ng 8%-14% kumpara kung i-save lang sa bangko. Nung umedad sya na 60 ay mayroon na syang Ph8,701,168.88 kung ito ay kikita ng 10% kada taon on average. Ang pera niya dito ay lumalago at maari din na mag-withdraw para magamit sa pangangailangan sa hinaharap kaya ito ay iyo na ding savings.

Ang VUL ay magbibigay na ng coverage na Ph1,000,000 kung siya ay papanaw. Kung halimbawa sa edad na 40 ay bigla syang pumanaw,  ang death benefit na makukuha ng pamilya nya ay Ph2,018,696.89. Ang death benefit ay Life Insurance plus Fund Value, samakatuwid, Ph1,018,696.89 Plus Ph1,000,000 ay Ph2,018,696.89. Itong death benefit na ito ay hindi sakop ng Estate Tax kung ang beneficiaries ay naka-irrevocable designation.

Bukod sa Life Insurance at Investment, ay ito pa ang mga karagdagang benepisyo o tinatawag na riders na makukuha kung sya ay maaksidente at magkakasakit ng malubha:

Kung sya ay maaksidente ay ito ang kanyang makukuhang benepisyo. Covered sya hanggang sa edad na 70.

Kung sya ay magkakasakit ng malubha katulad ng cancer, stroke, kidney failure at marami pang iba ay makakakuha sya ng Medical Fund na Ph1,000,000. Covered sya ng rider na ito hanggang edad 70.

Ang tanong ay saan ba napupunta ang karamihan ng kita mo? Dapat ay hindi lagi tayo focus sa present dahil meron tayong inaasahang future. Ang mga gastusin sa present ay maganda na may disiplina kang sinusunod para ang kita mo ay hindi mo lahat ubusin. Sa past naman ay kung magagawa mo na malimitahan ang pagpunta ng pera mo ay mabuti pero mas maganda kung ikaw ay makakalaya sa past mo o ikaw ay  maging debt-free.

Ang importante ay matuto tayo na maglagay tayo sa tuwina sa ating future at ito ay gawing habit. Ang ating income ay hindi guaranteed pero ang gastusin ay guaranteed kaya maganda na mag-invest sa ating future para handa tayo na may perang magagamit lalong lalo na pag may mga dumating na panganib sa ating buhay kaya dapat tayo ay maging matalino sa paghawak ng ating pera.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Savings,Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance,stock market,Pooled Funds

Nov.07

Paano ba ang mag-invest sa Stock Market?

Kung aaralin mo ang pag-invest sa stock market ay maari mo mapalago ang pera mo sa pagbili ng shares sa mga kumpanya na nakalista sa stock market. Ang stock market ay lugar kung saan merong bumibili at nagbebenta ng mga shares ng mga kumpanya. Kung ikaw ay bibili ng shares ng isang kumpanya ay magiging isa ka na sa may ari ng kumpanya. Kaya pag sila ay kikita ay kasama ka na kikita subalit kung ang nabili mo ay malulugi ay kasama ka din na malulugi.

Merong dalawang paraan kung paano ka makapag invest sa stock market:

1. Stock Broker. Pwede kang mag-invest ng diretso na bumili ng shares ng stocks sa stock broker. Pwede kang tumawag sa traditional stock broker or mag-open ng on-line account para bumili ng shares ng stocks. Ikaw na mismo ang pipili kung anong kumpanya ka mag-iinvest. Dito ay ikaw ang gagawa ng Fundamental Analysis at Technical Analysis para matutukan mo at huwag mawala ang pera mo lalo na pag basura stock ang nabili mo ay maaring maubos ang pera mo. Ang dami ng companies na mapaglalagyan mo ay depende sa pera na kaya mong ilagay dahil minsan ang isang share ng isang company ay Ph2,000 at minimum number of shares to buy ay 5 shares kaagad,dito Ph10,000 kaagad ang kelangan mo ilagay. Pero pag natutunan mo ang pag-invest diretso sa stock market ay mas malaki ang pwede mong kitain pero ang risk ay mas mataas kaya advisable na ito ay bantayan at aralin palagi.

2. Pooled Funds. Dito ay may professionals na pwede na maghandle ng pera mo para mapalago sa stock market. Sila ay ang mga fund managers ng mga investment companies na may mga experience na sa pagpili ng mga kumpanya na inaral na nila na kikita for long-term. Dito ay maraming kumpanya na ang mapaglalagyan ng pera ng investors dahil ito ay nakakalat na. Madalas ay may mga 20 hanggang 30 companies ang paglalagyan ng pera ng investors na kung iisipin ay nasa isang basket na kaya ikaw ay diversified na. Ito ay actively well-managed,kung sa 30 companies na paglalagyan ng pera ng fund managers ay may 10 companies na hindi kikita ay aalisin nila ito at papalitan ng mga kumpanya na kumikita. Sa pooled funds ay hindi mo na kelangan aralin kung anong kumpanya ba ang magandang paglagyan ng pera mo dahil fund managers na ang gagawa nun sa iyo para kumita. Ang risk dito ay hindi kasing taas  kung ikaw mismo ang mag-manage ng investment mo sa stock market.

Ano man ang mapili mo na paraan kung mag-invest ka sa stock market ay depende sa risk na kayang i-handle ng isang tao. Maaring ang isang tao ay may oras sya para aralin ang trend ng pagtaas at pagbaba ng stock market at willing sya na magrisk ay pwede nyang gawin ito na mag-isa at dumiretso sya sa stock broker. Samantala,kung ang isang tao naman ay walang panahon para mag-fundamental/technical analysis ay ipaubaya nya sa mga professionals kung paano i-invest ang kanyang pera sa stock market ay maari syang pumunta sa pooled funds na ang risk ay hindi ganun kataas.

Maaring gawin itong pareho o isang paraan lang. Kahit ano man ang mapili ay maaring kumita sa stock market kung ito ay matutunan. Sa pag-iinvest sa stock market ay maaring kumita ang pera mo mula 4%-20% on average bawat taon long-term na pwede magamit para sa mga financial goals mo sa future tulad ng retirement, pagpapa-aral sa mga anak pang-kolehiyo, pambili ng bahay at lupa at iba pa. Subalit dapat maging handa ka din sa risks sa pag-iinvest sa stock market dahil merong volatility o pagtaas at pagbaba ng presyo ng shares na mararanasan habang nag-iinvest kaya mas maganda na kung mag iinvest ka ay maglagay ka ng pera for long-term para ang risk ay ma-manage.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607, 0923-4941362

 

Personal Finance,Financial Planning,stock market,Pooled Funds