Dec.27

Ang benepisyo ng HMO/Health Cards.

Health is Wealth. Iyan ang madalas nating naririnig. Bukod sa pag-iingat sa ating kalusugan ay mas maganda na meron din tayong Health Card para tayo ay protektado kung sakali man na kailanganing gumastos sa ospital.

Ang pagkuha ng Health Maintenance Organization o HMO card ay mainam na isama natin sa ating budget dahil ito ay makakatulong sa atin para huwag na maglabas ng pera para magbayad sa ospital. Alam naman natin na mahal ang ma-ospital kaya dapat na tayo ay naghahanda kung sakaling mangyari ito.

Eto ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng HMO Card mula sa Insular Health Care:

  1. In Patient Benefit. Dito ay kung ma-ospital ka ay may Maximum Benefit Limit ka na magagamit habang ikaw ay nasa ospital. Ang MBL ay maaring Ph150k, Ph120k, 100k o 75k. Open access sa lahat na mga accredited hospitals.
  2. Out Patient Benefit. Dito ay maaring kang magpakonsulta sa doktor tungkol sa nararamdaman at kasama din ang pagkuha ng mga laboratory tests. Open access sa lahat ng accredited hospitals at clinics.
  3. Emegency Care. Kung biglang kelangang isugod sa ospital ay magagamit din ang HMO card. Hindi mo na kelangang maglabas ng pera.
  4. Dental Care. Dito ay makakuha ka ng pagpapalinis ng ngipin, pagbunot sa ngipin, pagpapa-pasta ng ngipin at pagpapa-konsulta.

Narito ang mga rates ng pwede mong pagpilian upang makakakuha ng HMO card ng Insular Health Care:

Paano kumuha ng HMO Card?

Mag-email ako sayo ng application forms tapos i-fill out mo ang forms at magpicture ng valid ID at i-email backĀ  mo sa aken. Maaring kang magbayad sa aken dahil ako ay accredited Health Insurance Specialist ng Insular Health Care o mismo sa opisina namin sa Insular Health Care sa Makati ay maari kang magbayad. Maari mong bayaran ito ng quarterly, semi-annual o annually. Ma-issue ang Health Card sa loob ng 2 linggo. Ipapadala sa iyo ang health cards.

Kung nais mag-paquote ay i-message lang ako at ipapadala ko ang application forms at gagawin kita ng proposal.

Maraming Salamat.

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance,Financial Literacy