Jun.12

See your Financial Planner

See your Financial Planner
Ang pagiging Financial Planner ay isang lisensyadong propesyon. Kinakailangan mong mag-aral ng madaming oras, umattend ng seminars, umattend ng meetings, gumastos ng pera at kailangan mong ipasa ang iba’t-ibang examination na hinihingi ng gobyerno bago ka maging Financial Planner. Ang propesyon na ito ay maitutulad mo sa hanay ng mga doktor, dentista, architect, engineers, at iba pang profession na may lisensyang hinihingi ang gobyerno bago mo magawa ang nasabing propesyon. Kaya hindi nakakapagtaka na may mga Financial Planners na kumikita ng hindi bababa sa milyong piso sa isang taon dahil sa pag seserbisyo sa kapwa Pilipino patungkol sa Financial Planning.

Sa pagiging Financial Planner ko ay may mga nakakausap ako na madalas sinasabi sa akin na pag-interesado sa serbisyo ko sa Financial Planning ay ito ay mga sinasabi sa pamamagitan ng text,chat, email o tawag:

*Gawan mo ako ng proposal.Fullname ko ay Mr. Juan Dela Cruz  at birthday ko ay Feb 29, 1989.
*Send mo sa email ko ang proposal ko at PAG-AARALAN KO.
*Pa-chat kung ano yung Financial Plan mo.
*Pa text na lang kung ano ba iyang Financial Plan na iyan.
*Pagawa ng proposal, budget ko per year ay Ph150,000.
*Pa-send nga ng proposal, may Ph2M ako sa bank, tulog lang yun dun.
*Tawagan mo ako ng 12 noon kasi lunch time ko iyon at pakipaliwanag yang Financial Plan nyo kasi busy ako na makipagkita pa sa iyo. Ok lang ba mga 15 mins lang tayo mag-usap?

Dito ay naiisip ko na paano maigagawa ng Financial Plan ang nagtatanong kung ganitong impormasyon lang ang makakalap ng Financial Planner. Ang isang magaling na Financial Planner ay hindi iyan makakagawa ng proposal na akma sa isang tao na gusto magka-Financial Plan ng wala man lang Financial Needs Analysis para sa iyo. Kelangan ng Financial Planner na ma-assess ng tama kung paano ba maso-solusyunan ang Financial Needs ng client. Magagawa ito kung makikipagkita ka muna sa Financial Planner at mapagusapan ng mabuti kung ano ang angkop na Financial Plan para sa iyo.

Itulad natin sa mga Doktor ang pagiging Financial Planner. Kung meron kang nararamdaman ay hindi tama na hihingi ka ng payo sa text,chat,call or email na hindi ka man lang nagkaroon ng diagnosis at hindi ka nakipagkita muna sa doktor. Malay ba ng doktor kung ano ang sakit mo at kung paano nya ito maso-solusyunan? Maari pang may masamang mangyari sa iyo kung hindi ka na diagnose ng tama ng doktor at walang matinong doktor na magre-reseta sa iyo na di ka muna nakita at na-assess kung anong gamot ang angkop sa nararamdaman mo.

Ganun din naman sa Financial Planning,dapat ay makipagkita ka muna sa Financial Planner at upuan nyo kung anong Financial solution ang pwede nyang mai-recommend sa iyo. Ang pakikipagkita sa isang Financial Planner na mahusay ay hindi ka nyan bebentahan, bagkus pa ay magbibigay lang sa iyo ng impormasyon kung paano ba makakatulong sa iyo ang Financial Planning kaya wala kang babayaran.  Bukod pa dito ay may tinatawag na privileged communication na kung saan ang lahat ng mapaguusapan nyo ay strictly confidential. Kung ang Financial Planner ay isawalat ang iyong impormasyon at nalaman mo na sa Financial Planner nanggaling ay maari mo syang i-demanda. Kaya, mainam na ikaw ay bukas tungkol sa iyong financial status  dahil dito ay matutulungan ka ng Financial Planner kung ano ang fit na financial plan para sa iyo.
Ito ang mga ilang tanong na maaring itanong sa iyo ng Financial Planner: Ano ang hanapbuhay mo? Single ka ba o may asawa na? Empleyado ka ba o negosyante? Saan mo ba gagamitin ang pera kung makapag-invest ka? Pang retirement ba? Pang education funding sa mga anak? Pangbili ng properties? Short term ba or long-term? Ano status ng cash flow mo?May tamang life insurance coverage ka na ba? Ano status ng health mo para malaman kung insurable ka pa? Paano naman ang hospitalization funds mo? Meron ba o wala? May mga outstanding loans ka ba? At marami pang iba na pwedeng itanong sa iyo upang makagawa ng tamang Financial Plan.

Madaming bagay ang dapat i-consider bago makagawa ng Financial Plan ang isang Financial Planner para sa iyo. Kaya maganda na makipagkita ka muna at para ma-assess ka kung paano ka matutulungan sa Financial Planning. Kung merong nagbigay sa iyo na proposal na Financial Planner na hindi ka man lang na-assess at nakita ay medyo kabahan ka sa ganung klaseng Financial Planner dahil sya ay nagkakamali. Kaya hindi nakakapagtaka na may mga kumukuha ng Financial Plan na hindi lubos na naiintindihan ang kanilang nakuha. Tandaan na hindi lahat ng solusyon ay makukuha sa text,chat,call or email, kaya mas maganda na ito ay pag-usapan ng mabuti para ikaw din ang magbenepisyo sa Financial Plan na kukunin mo para sa Financial Goals mo sa future at tutulungan ka ng Financial Planner mo. Kaya,kung ipinagkakatiwala natin ang ating physical health sa mga doktor ay ganun din naman natin ipagkatiwala ang financial health natin sa mga Financial Planners. Makipag set na ng appointment sa iyong Financial Planner.

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
EagleOne District Office Insular Life
6th floor I-Care Bldg. 167 Legaspi Street corner Dela Rosa Street
Legaspi Village Makati City
Mobile Number. 0917-5769607
Landline No.: 02-622-4328
Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance,Financial Literacy
Share this Story:
  • facebook
  • twitter
  • gplus

About Archie Yuki

Si Archie Yuki ay advocate ng Financial Literacy. Marami na syang natulungan na mga Filipinos na pahalagahan ang importansya ng Financial Planning sa pamamagitan ng pag-save, pag-insure, pag-invest at pag-preserve ng assets. Siya ay qualified para matulungan kang makagawa ng Financial Plan para sa mga financial goals mo para sa future. Pwede mong paghandaan ang iyong Retirement, paghahanda para sa edukasyon sa iyong mga anak, makaipon para pag-pondo sa iyong negosyo na pinaplano, health funding at marami pang iba.

Naniniwala si Archie na ang mga Pilipino ay dapat matuto na mag-save at mag-invest na hindi na lang palaging gastos ang uunahin sa tuwing kumikita. Sa pamamagitan ng Financial Planning ay maaring makamit ng mga Pilipino ang mga pangarap na pam-pinansyal para sa magandang kinabukasan.

Nakikita nya sa pamamagitan ng pangka-alamang pampinansyal ay maaring mabawasan ang mga mahihirap sa ating bansa. Hindi lang puro ang mayayaman ang pwede umasenso pero kahit mahirap ay pwede umasenso sa pamamagitan ng Financial Planning.

Nag-conduct sya ng Financial Literacy seminars sa mga schools, government offices, Barangay Halls, at sa mga private offices.May lisensya sya bilang Financial Planner. Accredited trainer sya ng Life Insurance Licensure Exam at Variable Unit Linked Licensure Exam.Sya ay certified Overseas Filipinos Workers Specialist na nag-specialize para mapalago ang kanilang pera. Sya ay Certified Investment Solicitor.

Sya ay accredited Health Insurance Specialist at Non-Life Insurance Specialist. Sya ay resource speaker ng The Advocacy Group or SOLA-TAG na patungkol sa Financial Planning.

Leave a comment

Comment