Nov.29

Paluwagan Scheme

Paluwagan Scheme

Ang paluwagan scheme ay pamilyar na sa ating mga Pilipino. Matagal na itong ginagawa ng mga karamihan sa atin lalong lalo na sa mga taong malapit sa atin dahil tayo ay may  tiwala sa kanila. Ang paluwagan ay ginagawa ng magkaka-opisina, magkakaibigan, magkakamag-anak at kung minsan pa nga ay kasama mo pa mismo sa simbahan. Nagpapakita lang na mababa talaga ang kaalamang pampinansyal ng mga Pilipino dahil sa madalas na pagkakataon tayo ay mag-iinvest dahil lang sa tiwala at hindi dahil inaral muna natin bago tayo mag-invest.

Bilang advocate ng Financial Literacy ay hindi ko ini-endorso ang pagsali sa mga paluwagan. Eto ang aking mga dahilan kung bakit hindi magandang sumali sa ganitong scheme.

1.Ang pag-organisa ng paluwagan ay ilegal. Hindi ito mako-consider na isang investment institution dahil kayo-kayo lang ang nag-organisa nito.Hindi ito matutulad sa isang COOP dahil ang COOP ay kelangang i-rehistro sa gobyerno at ito ay babantayang maigi kung paano i-invest ang pera ng mga miyembro ng COOP.

2. Hindi ito mabibilang na investment. Ang investment ay may maasahan kang lumago ang iyong pera pero sa paluwagan ay hindi naman kikita ang pera. Pinahiram mo lang ito at napakalaki ng panganib na hindi ito maibabalik sa iyo.

3.Ito ay pyramid scheme. Ang motibasyon mo dito ay ikaw dapat ang unang mabunot para makakuha ng pera o payout pero pag nasa huli ka na ay talo ka sa implicit interest. Ang implicit interest ay interest na parang walang interest pero meron dahil apektado ito ng panahon.Kapag hindi na naglagay ng pera ang ibang miyembro ay ang mga miyembro na may inaasahang payout ay wala ng makukuha.

Halimbawa ng payout na Ph10,000 ng isang paluwagan scheme.Dito ay linggo linggo ay naglalagay ang miyembro ng Ph1,000.

4. Tiwala lang ang kakapitan mo sa paluwagan, wala ng iba. Kapag ang nag-organisa ng paluwagan ay nasilaw sa pera ay madali nya itong makukuha. Kung hindi din makapag hulog ang ilang miyembro ng paluwagan ay maapektuhan kaagad ang payout na naka-schedule na dapat ibigay sa miyembro.

5. Malaki masyado ang risks at ang returns ay siguradong talo ka. Magiging biktima ka lang dahil walang kontrata na gagawin kaya pag nagkaproblema na ay ano pa ang  habol mo.

6.Magulo ang sistema ng paluwagan. Kahit sino sa miyembro ay pwedeng maging collector o kaya maging auditor na hindi ka makaka-siguro kung talagang bang may alam sa paghawak ng pera o kung talagang katiwa-tiwala.

7. Magkakasiraan ng relasyon ang mga sumali sa paluwagan kapag nagka-problema na ang sistema ng paluwagan. Hindi ito pang-matagalan para paglagyan mo ng pera mo kung inaasahan mo dito mo palaguin ang pera mo dahil malaki ang tsansa na mawala ang pera mo.

Ang pagsali sa paluwagan scheme ay matutulad ko sa isang tao na tatawid sa EDSA na may piring ang mga mata. May panganib ka na susuungin at wala ka man lang paraan para maiwasan mo ang mga sasakyan na maaring bumangga sa iyo. Bakit ka pa pupunta sa paluwagan kung meron namang mga financial instrument na regulated ng gobyerno, mga eksperto ang mag-papalago ng pera mo at ang risks ay manageable. Ang mga halimbawa ng mga financial intruments na pwede mong mapaglagyan ay Money Market, Bonds, Equities, Stock Market,Life Insurance o Real Estate. Maari ka din namang makapag konsulta sa isang lisensyadong Financial Planner para makapili ka ng financial instrument na pwede mong paglagayan para mapalago mo ang iyong pera kesa sa paluwagan mo ilagay na ang risks na mawala ang pera mo ay napakalaki.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Personal Finance,Financial Planning,Financial Literacy
Share this Story:
  • facebook
  • twitter
  • gplus

About Archie Yuki

Si Archie Yuki ay advocate ng Financial Literacy. Marami na syang natulungan na mga Filipinos na pahalagahan ang importansya ng Financial Planning sa pamamagitan ng pag-save, pag-insure, pag-invest at pag-preserve ng assets. Siya ay qualified para matulungan kang makagawa ng Financial Plan para sa mga financial goals mo para sa future. Pwede mong paghandaan ang iyong Retirement, paghahanda para sa edukasyon sa iyong mga anak, makaipon para pag-pondo sa iyong negosyo na pinaplano, health funding at marami pang iba.

Naniniwala si Archie na ang mga Pilipino ay dapat matuto na mag-save at mag-invest na hindi na lang palaging gastos ang uunahin sa tuwing kumikita. Sa pamamagitan ng Financial Planning ay maaring makamit ng mga Pilipino ang mga pangarap na pam-pinansyal para sa magandang kinabukasan.

Nakikita nya sa pamamagitan ng pangka-alamang pampinansyal ay maaring mabawasan ang mga mahihirap sa ating bansa. Hindi lang puro ang mayayaman ang pwede umasenso pero kahit mahirap ay pwede umasenso sa pamamagitan ng Financial Planning.

Nag-conduct sya ng Financial Literacy seminars sa mga schools, government offices, Barangay Halls, at sa mga private offices.May lisensya sya bilang Financial Planner. Accredited trainer sya ng Life Insurance Licensure Exam at Variable Unit Linked Licensure Exam.Sya ay certified Overseas Filipinos Workers Specialist na nag-specialize para mapalago ang kanilang pera. Sya ay Certified Investment Solicitor.

Sya ay accredited Health Insurance Specialist at Non-Life Insurance Specialist. Sya ay resource speaker ng The Advocacy Group or SOLA-TAG na patungkol sa Financial Planning.

Leave a comment

Comment