Nov.22

Ano ang benepisyo ng Variable Unit Linked(VUL)?

Marami tayong pwedeng mapagpipilian na mga financial instruments na pwede nating mapaglagyan ng ating pera para magamit sa mga financial goals natin sa buhay sa hinaharap. May kanya kanyang solusyon ang mga investment products na matutugunan ang  ating pangangailangang pampinansyal.

Ang isang option na maaring mong ilagay ang iyong pera ay ang tinatawag na Variable Unit Linked o VUL. Ang VUL ay makakagbigay sa iyo ng tatlong binti sa iyong financial footstool para magamit mo na tuntungan para ma-abot mo ang mga hangaring pampinansyal sa buhay. Kung kulang ka ng isa sa mga binti sa iyong footstool ay mahihirapan kang makatayo financially.

Ang VUL  ay magbibigay sa iyo ng tatlong benepisyo: Life Insurance, Investment at Savings.

Life Insurance

Ito ay magbibigay sa iyo ng income protection kung sakali man na dumating ang kamatayan. Ang iyong mga mahal sa buhay ay may matatanggap na death benefit upang sila ay makapag-patuloy sa nakasanayang pamumuhay at para hindi maghirap. Maari din itong lagyan ng mga riders upang mas protektado ka kung may mga panganib na dumating habang ikaw ay nabubuhay.

Eto ang mga ilang riders na pwedeng  ilagay:

Accident Benefit Rider- Kung ang dahilan ng pagkamatay ay aksidente ay mado-doble ang Life Insurance coverage. Halimbawa ang life insurance coverage ay Ph1M at kung ang insured ay namatay dahil sa aksidente ay ang life insurance coverage nya ay madadagdagan ng Ph1M.

Disability Indemnity Rider- Kung ang  insured ay naaksidente at hindi makapag-trabaho ay mayroong maasahang income at kung totally ay hindi na makapag-trabaho ay makakatanggap ng pera sa loob ng 10 taon.

Hospitalization Rider- Kung ang insured ay ma-confine sa ospital dahil sa pagkakasakit o kaya ay naaksidente ay may  makukuhang pera na magagamit sa pagpapagamot.

Dread Disease Rider- Kung ang insured ay magkakasakit ng malubhang sakit katulad ng Cancer, Kidney Failure,Stroke, Terminal Illnesses at iba pa na i-cover ng rider na ito ay may makukuhang pondo para may pang-gamot ang insured. Maaring makakuha ng pondo mula Ph300,000 hanggang Ph5,000,000.

Investment

Ito ay magbibigay sa iyo ng oportunidad na mapalago ang iyong pera sa pooled funds. Ang pooled fund ay isang portfolio na ang fund manager na ng Life Insurance company ang magpapalago ng iyong pera at hindi mo na ito kelangan pang tutukan o bantayan. Dito ay matutulungan ka nila na i-manage ang iyong pera dahil sila ay eksperto na sa aspetong ito.

Eto ang mga halimbawa ng pooled funds na pwede mong mapagpilian depende sa investment objective mo at anong risk ang kaya mong mahawakan:

Fixed Income Fund(Low Risk) – Ang purpose ng fund na ito ay ma-preserba ng mahabang panahon  ang iyong pera galing sa mga stable at predictable na bayad mula sa interests. Ini-invest ito sa sa mga pautang  na issued ng Phil. Government  at prime-rated na korporasyon at inilalagay ito sa short-term money market instruments.

Balanced Fund(Mid Risk) – ini-invest ito sa securities, bonds, term loans ng malalaking kumpanya, sa short-term money market instruments at sa mga prime rated stocks na nakalista sa Philippine Stock Exchange.

Equity Fund(High Risk) – ang pera dito ay ilalagay ng long-term para lumago ito sa pamamagitan ng capital appreciation, kita mula sa dividends ng mga local companies na sakop lahat ng sector na nakalista sa Philippine Stock Exchange na nagri-presenta ng ating ekonomiya.

Lagi mong tandaan ang prinsipyong ito pag mag-iinvest: Low risk=Low Returns, Mid-Risk=Mid Returns, High Risk=High Returns.

Savings

Ang VUL ay magiging source ng iyong savings sa future dahil ang pera mo ay lalago. Kung ilalagay ito sa Equity Fund ay maari itong lumago mula 8% hanggang 10% on average bawat taon sa lilipas na sampung taon. May pera ka na pwede mong ma-withdraw na magagamit mo sa pag-aaral mo sa mga anak mo na magkolehiyo, pwede din sa iyong retirement, pambili mo ng bahay at lupa, pantayo ng negosyo at iba pa.

Narito ang isang sample illustration ng Variable Unit Linked na isa sa mga clients ko:

Male, Single, Smoker, 30 years old

Financial Goals: Gusto nya na magka-life Insurance habang single pa, minsan nagbibigay sa bahay ng panggastos minsan naman hindi,gusto nyang meron syang  income replacement kung maaksidente at may pang-ospital kung sakaling magkasakit,gusto na may maitabi para sa kanyang retirement. Willing mag-dagdag ng investment later on pag lumaki na ang kita sa kanyang trabaho.

Kaya nya mag-lagay ng Ph100 bawat araw. Katumbas nito ay Ph3,000 bawat buwan o Ph36,000 bawat taon.

Eto ang mga benefits na makukuha nya:

]

Eto ang list ng mga Dread Diseases na covered:

Bukod sa life insurance coverage ay lalago din ang kanyang pera:

Sa edad na 60 years old kung kikita ng 10% Compound Annual Growth Rate ang Equity Fund nya ay may Ph1,870,270.92. Pwede na nya itong magamit pang-gastos pag nag-retire na sya. Ang kanyang Fund Value ay habang tumatagal ay ito ay lumalago at maari syang mag-withdraw dito ng partial para may life insurance coverage pa din sya. Kung halimbawa ay sya ay papanaw sa edad na 80 at ang kanyang fund value ay Ph10,428,138.48(assuming hindi sya nag-withdraw)na ay ang death benefit na mapupunta sa kanyang mahal sa buhay ay Ph10,928,130.48. Ang death benefit ay Life Insurance plus Fund Value (P500,000 + Ph1,428,138.48=Ph10,928,138.48). Ito ay hindi masasakop ng estate tax kung ilalagay na beneficiaries ay irrevocable designation.

Maaring pa nyang i-adjust ang kanyang VUL para mas lumaki pa ang kanyang mga benepisyo, kaya importante na nagpapakonsulta sa Financial Planner upang ma-address kung merong mga pagbabago sa isang buhay ng policy owner para malapatan ng tamang Financial Plan. Makikita natin na ang VUL ay nasasakop na ang importanteng aspeto ng Financial Planning na may Life Insurance, Investment at Savings. Habang ikaw ay nagta-trabaho ay mayron ka ng Financial Plan na nagta-trabaho din sa iyo para may magagamit sa gastusin sa future. Dito ay ma-protektahan mo muna ang sarili mo habang nag-tatrabaho ka para ma-achieve mo ang mga Financial goals mo sa buhay at tuloy tuloy din naman lalago ang iyong pera sa VUL.

Maraming salamat sa pagbasa ng aking blog. Kung mayroon kang katanungan tungkol sa VUL ay maari mo akong ma-contact at pag-usapan natin kung paano ito makakatulong sa iyo.

Sagutan mo ang link na ito at ikaw ay aking tatawagan para mai-set ang schedule ng meeting. —>>>>>>>>  https://goo.gl/forms/rQOBVdSl81qMfgV03

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Savings,Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance,stock market,Pooled Funds

Nov.17

Financial Tips Para sa OFWs

Marami sa ating mga kababayan ay umaalis ng bansa para mag hanapbuhay sa abroad para mas kumita ng malaki at para magkaroon ng magandang buhay. Ang Overseas Filipino Workers ay ang ating mga Bagong Bayani.  Ang OFW Cash Remittances nung taong 2016 ay umabot ng $26.9 Billion at ito ay inaasahang tataas pa ng tataas bawat taon. Ito ay nagdudulot ng paglago ng ating ekonomiya dahil ang mga makakatanggap ng pera dito sa ating bansa ay kanila itong gagamitin para sa pang-araw araw na pamumuhay.

Subalit ang pagiging OFW ay hindi permanente. Dapat ay matuto kung paano ba ang magandang gawin kapag kumikita na ng mas malaki kumpara nung dito pa naghahanap buhay sa Pilipinas. Kelangan ng Financial Literacy dahil may mga alam ako na OFWs na nag-trabaho sa abroad ng 20-30 na taon pero nung bumalik sa Pilipinas ay naghirap ulit. Hindi natuto mag-plano ng pampinansyal kaya kahit malaki ang kita noong nag-aabroad ay hindi ito napalago dahil napunta lahat sa gastos.  Sabi nga ng paborito kong author na si Dave Ramsey: Unless you control your money, making more won’t help. You will just have bigger payments.

Narito ang mga Financial Tips ko para sa mga OFWs:

Mag-Set ka ng Goals.

Dapat meron kang goals kung bakit ka mag-aabroad. Aalamin mo kung magkano ang pera na dapat mong maiuwi sa iyong pamilya sa tuwing matatapos ang iyong kontrata. Ang kinikita mo ay dapat naka-allocate ng tama. Dito ay dapat inuuna mo ang pagbayad ng utang, savings at investment bago ang pang-gastos. Gamitin ang 50-30-20 Budget allocation. 50% ng kita mo ay sa gastos para sa needs, 30% ay para sa mga gastos sa wants at 20% ay para sa pagpapalago ng iyong pera para may magamit sa gastusin sa future. Maging matalino sa paghawak ng iyong kinikita.

Mag-set ka ng timeframe kung hanggang kelan ka mag-aabroad.

Dito ay dapat mag-set ka ng panahon kung ilang taon ka lang mag-aabroad. Hindi ka habambuhay mag-aabroad dahil meron kang pamilya na uuwian. Halimbawa ay 15 taon ka lang mag-aabroad ay meron kang paghahandang pampinansyal na mag-sustain mo na ang sarili at pamilya mo pag hindi ka na maghanap buhay sa abroad.

Turuan mo ang pamilya mo na magkasiya sa pera na ipapadala mo.

Mas maganda na mag-set ka ng budget na dapat lang magamit bawat buwan para hindi lahat ng kinikita mo ay mapupunta sa gastos. Magtabi ka din para sa sarili mo dahil magagamit mo din ito para sa pamilya mo sa hinaharap. Maintindihan ng mahal mo sa buhay na may financial goals kayo na gusto ma-attain kaya ka nag-aabroad at hindi gastos lang ang focus kundi ang pag-iipon at pag-iinvest ang mauna.

Kumuha ka ng Life Insurance.

Ang paghahanap buhay sa abroad ay may panganib. Kung sakaling dumating ang kamatayan ay may benepisyo na makukuha ang pamilya mo. Ang ideal na life insurance coverage na dapat meron ka ay sampung beses ng isang taon mo na gastos sa pamilya mo. Halimbawa ay gumagastos ka sa pamilya mo ng Ph30,000 sa isang buwan on average ay dapat may Ph3.6M(30,000X12 months x 10 years) Life Insurance coverage ka. Dito ay makakapag-patuloy ng pamumuhay ang iyong pamilya sa sampung taon na parang nandyan ka na nagbibigay ng Ph30,000 bawat buwan at dito ay makakapag-adjust sila ng maayos kesa tuluyang bumagsak ang pamumuhay.

Mag-invest ka sa Paper Assets.

Dito ay maari mong mapalago ang iyong pera depende sa iyong purpose. Eto ang mga options na pwede mong mapaglagayan: savings, time deposits, money market, bonds at stock market. Mapapalago mo ang iyong pera depende sa goals mo para sa gastusin mo sa future kaya dapat alamin mo kung saan ka maglalagay. Pwede ka maglagay para sa pinag-iipunan mong pam-paaral sa iyong mga anak, pambili ng bahay at lupa, pantayo ng negosyo, at iba pa.

Mag-invest ka sa Real Estate.

Ang real estate ay isa sa magandang paraan para magkaroon ka ng passive income dahil pwede mo itong mapaupa. Mas makakatipid ka kung bibili ka ng pre-selling properties at kung mababayaran mo ng mas malaking downpayment ay mas liliit ang monthly mortgages mo. Halimbawa ay may 3 units ka ng condo sa Metro Manila at pinapaupa mo ito ng Ph25,000 bawat buwan ay may kikitain ka na Ph75,000 kada buwan.

Paghandaan ang iyong Retirement.

Karamihan sa ating mga Pilipino ay hindi pinaghahandaan ang Retirement. Lahat tayo ay darating sa panahon na tayo ay tatanda. Kahit OFW ka o hindi ay talagang titigil tayo mag-trabaho kaya dapat ito ay paghandaan. Ayon sa statistics,  63% ng mga Pilipino pag umedad ng 60 ay wala talagang pera dahil aasa sa mga anak at kamag-anak. Maari mo itong maiwasan kung ikaw ay mag-iinvest.

Magsimula ka ng negosyo.

Habang nag-tatrabaho ka sa abroad ay magsimula ka na din magnegosyo. Dito ay madadagdagan ang iyong kinikita bukod sa trabaho mo sa abroad. Maaring bumili ka ng sasakyan at ipapasada mo, magtayo ng mini-grocery,babuyan, o kaya ay mag-franchise ka at marami pang iba.

Mag-aral ka tungkol sa Financial Planning.

Makipag-usap ka sa mga professionals para ma-guide ka kung paano ba ang magandang gawin patungkol sa iyong finances. Mas lamang ang may alam dahil mas mahal ang pagiging ignorante. Marami sa mga OFWs ay nabibiktima ng investment scams dahil mababa ang kaalamang pampinansyal. Ito ay maiiwasan kung nag-aaral ka at nakikipag usap sa mga lisensyadong investment consultants.

Marami pang mga Financial Tips ang pwede mong malaman para maging matalino sa paghawak ng iyong kinikita. Hindi mahalaga kung maliit o malaki ang kinikita pero mas mahalaga ay kung gaano kalaki ang kaya mong itabi at kung paano mo ito mapapalago. Ang pagiging OFW ay isang privilege dahil nakakatulong ka sa paglago ng ating ekonomiya pero dapat ay tulungan mo din ang iyong sarili para makapaghanda ka din sa mga gastusin mo sa future dahil ang pagiging OFW ay hindi permanente dahil tayo ay tatanda, maaring magkasakit, ma-disable o di kaya ay dumating ang kamatayan. Mas lamang kung ikaw ay may  Financial Planning dahil siguradong mag-benefit ka ngayon at ganun din sa kinabukasan.

 

Reference:

http://business.inquirer.net/224635/ofw-remittances-hit-record-high-2016

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Savings,Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance,stock market

Nov.12

Demographic Sweet Spot: Ito ang magandang panahon para mag-invest.

Noong 2015 ang ating bansa ay pumasok sa tinatawag na Demographic Sweet Spot at ito ay inaasahang matatapos hanggang sa taong 2050. Ang bansa natin ay isa sa mga pinakamabilis lumago na ekonomiya sa mga bansa sa ASEAN. Nararanasan na natin ang paglago na naranasan ng mga mayayaman na nasyon  bago pa man gumanda ang kanilang ekonomiya. Bawat taon ay nag-average ng  paglago ang kanilang Gross Domestic Product o GDP ng 7.3%  na maaring mangyari na din sa ating bansa. Isipin mo ang mga bansa tulad ng Japan, Hongkong, Singapore, Thailand at China na ang kanilang ekonomiya ay malago.

Ito ang nangyaring Demographic Sweet Spot sa Japan at China. Dito ay nangyari na ang paglago ng kanilang ekonomiya. Hindi na maiiwasan na tayo na ang susunod.

Ano ba ang demographic sweet spot?

Ang Demographic sweet spot ay ang pagkakataon na 60 porsyento ng populasyon ng isang bansa ay umeedad mula 16 hanggang  64. Ito ang mga edad na ang populasyon ng isang bansa na produktibo ang mga mamamayan. Kumbaga, ito ang mga panahon na nasa mataas na antas ng pagiging produktibo ng isang tao para maghanap-buhay at kumita.Ang mga Pilipino sa mga panahon ngayon ay tumataas ang disposable income dahil kumikita kaya lumalago ang ating ekonomiya kasi meron ng pambili si Juan Dela Cruz. Tayo ay matuturing na consumption-driven economy dahil tayo ay mahilig gumastos at nakakatulong ito sa ating ekonomiya.

Bakit may pang-gastos ang mga Pilipino?

Bukod sa mga bata ang karamihan sa ating mga mangagawa ay meron pang mga dahilan kung bakit mas lalong lalago ang ating bansa. Meron tayong  kita sa Business Process Outsourcing or trabaho mula sa mga call centers, mga padala ng ating mga Overseas Filipino Workers, mababa ang interest rate ng mga nagpapautang na banko, merong mga proyekto na Build,Build,Build  ang gobyerno at mga pribadong kumpanya, meron tayong mga manufacturing hubs, turismo at iba iba pang opportunidad sa ating bansa.Samakatuwid, ay madaming pwedeng makuha na hanapbuhay ang karamihan sa ating mga Pilipino dahil sa mga oportunidad sa ating bansa.

Subalit, hindi pa din maalis na may mga suliranin pa din tayong dapat harapin kahit nasa demographic sweet spot na tayo. Ito ay ang unemployment rate, pulitika, terorismo, kurapsyon, kakulangan ng mga imprastraktura at iba pa. Kailangan lang nating malaman kung paano natin i-posisyon ang ating sarili sa paglago ng ekonomiya. Kung ikaw ay naghahanap buhay o kaya ay nagnenegosyo ay maaring masabi mo na hindi ka naman nakikinabang sa ekonomiya natin ngayon, pero pwede ka makinabang sa pamamagitan ng pag-invest sa ating ekonomiya at isa dun ay ang pag-invest sa stock market.

Paano ka ba makikinabang sa paglago ng ating ekonomiya sa stock market?

Maari kang makinabang sa ating ekonomiya kung ikaw ay mag-iinvest sa stock market. Lalago ng lalago ang ating ekonomiya kada taon at ang karamihan sa ating mga Pilipino ay maghahanap buhay at magkakaroon ng pera na pambili. Kanino magsisibilihan ang mga Pilipino pag may pera na? Pupunta tayo kay SM,Robinsons Malls, mag-dedeposito ng pera sa BPI, BDO, Metrobank, bibili ng bahay at lupa sa Ayala, Megaworld, SMDC, magbabayad ng kuryente sa Meralco, mag-iinternet at mag-load gamit ang Globe at PLDT at kung ano ano pa. Ang mga kumpanyang ito ay siguradong kikita dahil ito ay bibilihin ng mga Pilipino. Maari kang kumita kung ikaw ay magiging may-ari ng mga kumpanya na ito. Kapag kikita sila ay kikita ka din at ang mga kumpanyang ito ay hindi naman magsasara basta basta. Sa palagay mo ba ay magsasara ba kaagad si SM? Paano naman si Meralco? Si BPI kaya? Sa tingin ko ay subok na ang mga kumpanyang iyan. Samakatuwid,kung ikaw ay magkakaroon ng shares sa mga kumpanyang ito ay makakasama ka sa paglago ng kanilang  kumpanya at ikaw ay kikita. Maari lang  itong mangyari kung tayo ay mag-iinvest sa mga kumpanyang ito  sa stock market.

Kung maglalagay ka sa Stock Market sa isang pooled fund  na magkaroon ka ng shares sa mga blue chip companies sa stock market at kung kikita ito ng 8% bawat taon ay ang pera mo dito  ay lalago. Kung maglalagay ka ng Ph100 per day or Ph3,000 per month sa loob lang ng sampung taon ay ito ang pwede mong kitain.

Sa ika-sampung taon ang fund mo ay maaring maging Ph521,516.25 na at kung hindi mo pa ito kukunin sa ika-dalawampung taon ay may Ph1,125,914.47 ka na at kung plano mo mag-withdraw pag ikaw ay 65 years old na ay may Ph5,247,839.7 ka na. Ito ay sa assumption na 8% na average interest rate bawat taon na mahigit na malaki kesa mag-lagay ka sa bangko.

Ito ay maari mong magamit para sa iyong gastusin para sa hinaharap dahil pwede mo itong ma-withdraw in full or  in partial. Pwede mo ito  pambayad sa tuition fees sa mga anak mo, pampondo sa pangarap mong negosyo, pambili ng bahay at lupa, retirement at iba pa. Paano kung mas malaki pa ang pwede mong mailagay sa investment mo ay mas malaki din ang pwedeng mong makuhang pera sa future.

Ang pag-invest sa stock market ay isang paraan para mapalago ang iyong pera lalong lalo na sa panahon na nasa Demographic Sweet Spot na ang isang bansa. Kaya, pansinin mo na ang mga foreigners ay nag-iinvest sa ating stock market dahil naniniwala sila na ang mga kumpanya sa ating bansa ay mapapalago ang kanilang pera pero tayong mga Pilipino ay karamihan sa atin ay hindi nag-iinvest sa ating stock market. Kaya pag kumita ang mga foreigners ay mag-pull out sila ng kanilang pera at mapapansin mo na bababa ang ating Philippine Stock Exchange Index o PSEi.  Ang PSEi ay ang nagsasabi kung ano ang kalusugan ng Philippine Stock Market. Kaya ngayon na naintindihan mo na ang ating ekonomiya ay lalago ng lalago dahil nasa demographic sweet spot  na tayo hanggang 2050 ay dapat na simulan mo na mag-invest sa ating stock market. Huwag  tayong pumayag na puro dayuhan lang ang kikita sa ating bansa. Huwag tayong magpapahuli para mag-benefit tayo sa paglago ng ating ekonomiya.

 

References:

http://www.bsp.gov.ph/events/pcls/downloads/2015/BSP_2b_mapa_presentation.pdf http://business.inquirer.net/85960/philippines-in-demographic-sweet-spot-says-clsa-study http://investmentjuan01.com/2014/06/29/juan-liners-demographic-sweet-spot-and-other-drivers-or-show-stoppers-of-philippine-economy/ http://business.inquirer.net/173451/heading-toward-an-economic-miracle

Demographic Sweet Spot photo taken from Alijeffty Gonzales’ presentation.

 

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Personal Finance,Financial Planning,stock market,Pooled Funds

Nov.10

Ang advantages ng VUL sa BTID

Naniniwala ako na walang perfect investment. Ito ay depende sa solusyon na pwede maibigay ng isang financial vehicle sa isang tao para makamit ang mga Financial goals sa buhay. Kaya hindi ko masasabi na ang isang strategy na ituturo ng isang Financial Planner  ay magiging angkop na sa lahat ng tao. Bakit ganito ang nangyayari? Kasi lahat tayo ay may iba-ibang  financial goals, time horizon, risk appetite, dependents, health status, katayuang pampinansyal at iba pang konsiderasyon.

May mga nagsasabi na the best strategy ay ang  Buy Term Insurance and Invest the Difference (BTID) at ang iba naman ay ang Financial Product na Variable Unit Linked(VUL) na kombinasyon na ng Life Insurance at Investment. Ano ba ang mas maganda sa dalawang ito? Ang masasabi ko ay pareho silang may advantages and disadvantages. Maaring ang BTID ay para sayo o kaya naman ay ang VUL ay hindi sayo. Maaring naman na hindi para sayo ang BTID at VUL naman ang angkop para sa iyo o di kaya ay parehong pwede sa iyo ang BTID at VUL.

Kumuha ako ng mga comments mula sa FB Page ng Pinoy Insurance Talk https://www.facebook.com/groups/pinoyinsurancetalk/?ref=group_header tungkol sa isang blog na nag-aadvocate ng BTID. Dito ay makikita sa mga comments na may advantages din ang VUL kaya hindi marapat sabihin na pinamimigay mo lang ang pera mo pag kumuha ka ng VUL. Ito ay malisyosong statement at hindi ito maganda sabihin.

Narito ang mga comments ng nagsasabi na may advantages ang VUL kumpara sa BTID:

Jhaypee Calamba Still it varies. Kung ung fund selection that the FA chose for her client that will be the result of her fund value. Also depende sa age din ung Fund Value. Still I would highly recommend for millenials VUL ksi ung time where ung money nila is invested its by the power of compounding interest it will be much bigger..

Sherwin Marcelo Bagay VUL was made due to necessity. Para mas may option ang clients. I had a client na gusto ng forced savings wala ng inaalala pang iba. Kaya nga daw andito tayo para dyan. Kung bibigyan pa natin ng trabaho si client they might as well save it sa bank. Masyado ng fast paced ang buhay ngaun. Nasa present state utak ng client. Better give them what they want so that they can focus sa work or kung anu man ang pinagkakabalahan nila.

Ronnie Amplayo Sumatra If u have ample time monitoring your investments then buy kang term invest d diff. Pero people nowadays are more preoccuppied with a lot of things dat are far more meaningful THAN MONEY, dats why pingakakatiwala nila ito sa VUL. So why go pushy over VULs having lesser funds than getting term insurance? Yes, you are only comparing them sir but this article can’t get you away from last video na NAPAKA ONE SIDED.

Danikarl P. Colobong Para sakin, kung vul or term, vul padin ako, na weigh ko na yung pros and cons, ang mahal ng insurance ng stand alone crit illness, worth 500k sa mother ko age 58, 19k na, take note, crit illness lang yan na stand alone,. Tas may re evaluation pa afterend of contract. Dagdag mo pa yung natural death,. Sinasabi lang ng iba na mag papa insure padin sila kahit matanda na, how sure are they? Kung ang laki na ng cost? Mayayaman nalang siguro ang mag papa insure for estate planning,. Siguro ang mali lang ng ibang FA, dapat hindi minamaximize yung premium ng vul, sapat na yung premium where in ma cover yung major needs like, natural death, ADD, LCB and disability., ganun yun policy ko dahil naniniwalan naman talaga ako na kung pure investment ang goal, go for other investment vehicle other than vul.. ang okay pa sa vul is kung ayaw ko na mag monthly sa plan ko, basta imaintain ko yung fund value wherein hndi sya mag teterminate edi insured padin ako,. Gawin ko yun gang pag tanda, mas mura padin compared sa term,. Insured pa gang age 88 or 100..

Randy Riteza yung gains ng VUL pwedeng ma tax shield sa estate tax pag irrev yung beneficiaries.
unlike pag naka 100% MF or stocks, subject pa din for estate tax in case of death.

Ron Sy There is a sweet spot for VUL and it’s not at age 65.
Don’t you ever wonder why he did not show how much term insurance premium you have pay when you reach 70,
75, 80? Why only show it till 65?
Why only 1 Million? 100K a year lang ba ang income mo for you to be insured ng 1 million? If that’s the case, all BTID practioners are either under insured or not even insured as they Invest. 1 Million Coverage is not enough for a 30 year old breadwinner.
Please don’t get me wrong. I love term insurance. I recommend term as a Coverage booster Or a temporary coverage. The beauty of term insurance is it’s a straight bet. “PATAY, BIGAY. BUHAY, T.Y.” Id rather put my 20 pesos a day sa term insurance keysa sa LOTTO
But for these BTID advocates to say VUL is a bad product altogether is BS. Can you even sell BTID strategy without mentioning VUL? No you can’t. You cannot sell BTID without mentioning VUL.
Lastly, sino dito ang nag BTID na for 30 years hinde nagwithdraw? No one. You know why? No one is stopping you from doing so.There is no consequence in withdrawing funds in as early as 2 years. So what makes you think that you can accumulate so much and beat VUL straight up? VUL is designed for long term. Charges are there for a reason. To discourage you from withdrawing too soon.

Gelo Suyo He didn’t also discuss the risk of not able to get a term insurance when the client has been diagnosed with a critical Illness years after having the same Policy.

Gelo Suyo I think he’s just focusing on the side of the earnings of the Investment component of the 2 options.
He forgot one crucial thing, the insurability of the client.
He didn’t discuss the risk of not able to get a term insurance when the client has been diagnosed with a critical Illness years after having the same Policy.
VUL is designed for the Long term. As an FA, I disclose the risk of getting a VUL, like high premium and the risk of paying premiums beyond the expected payment timeline.

Jeffrey A. Reyes Although I already have term, insurability made me decide to get VUL too.

Aldrin Cerezo mas mura nmn talaga ang term sa initial years. ang problema mo lng jan is kung si client lived too long. Pag nag age ka ng 50 above, baka puro rejected kana sa insurance company or mahal na nrin ang premiums. Kung cnbi ni Vince na maganda ng term sa early stages ng buhay, tama xa. Pero kung all through-out ng buhay, hnd cguro. Wala ng sense na kumuha kapa ng term, baka hnd rin maapproved.tsaka hnd po zero yung 1st year sa vul. Mga single pay na ang mas iaadvise ko xmpre assuming na meron silang pang single pay… Again may mga pros and cons yan. Jsut my 2 cents.!

Mawee Lopez If kaya mo po sir na mag invest c client regularly with that amount without him giving any excuses not to to invest eh d ok po yan. But our VULs are like forced savings to ensure that our clients will be protected and with investments at that certain time. If kaya mo po tutukan isa isa ang clients mo to do that then mas ok po 

Albert R. Mangapit Dapat wala yung NPV na comparison nya kasi yung sa VUL may investment portion while yung TERM premium wala . Bakit kailangan yun? Sana yung NPV ng charges ng VUL at NPV ng charges ng TERM. Based on the products presented lumalabas na mas maganda ang BTID. Sana mas maganda kung up to age 75 illustration para makita natin ang difference

Eileen Sorongon Usually naman po sir, VUL Kung titingnan ang fund value nya for retirement purpose..
ung iba tinatawag na investment dahil may balance fund, equity fund.. and if you aware the Filipinos mindset towards financial literacy, they still fear and very conservative. That is why they designed para ang takot mag invest, VUL is the advantage..they already know na.. and when they already know how to invest, they start mutual fund and stockmarket, at dun pa rin papasok si VUL..
You can have term insurance for protection only and you have a VUL for estate tax..

Suzzette Denuevo Carmen He used a VUL plan that is 0 [zero] value at year 1. Insular Life multiple pay VUL plans have certain % of fund allocated to investment at start of plan, hence NOT ZERO value at year 1.
Another thing, perhaps the comparison should be extended much longer, say until age 76 (average life expectancy of Filipinos). We also know that TERM insurance can be renewed until age 70, moreover the increase of premium is much higher every year from age 65 to 70. Let’s see if the net btid roi beat net vul roi
A question to be answered by prospective investor: Will I live until age 65 only?

Hubert Sumulong Hi, isa sa pinakamalaking advantage ng VUL is one time medical exam lang sya. If kinuha mo sya nang bata ka pa at walang sakit, that is the perfect product. Kung kukuha ka ng Term, make sure hindi ka magkakasakit dahil taon taon kang imemedical check at malaki ang posibilidad na mareject ka if ever magkasakit ka na. Financial Analysis is the key. No perfect product na magsusuit sa lahat. VUL has its own advantage, BTID either.

Laurence Tan Lee And meron pa na-overlook. Hanggang kailan insurable si client? Sa VUL, the client is insured up to age 100. Sa term, it is only renewable as long as the client is in good health.

Ejay ViloriaGroup admin As one of the PIT admins, I can say that we advocate financial awareness, especially when it comes to insurance. This discussions are encouraged.
I would just like to give a suggestion to the Author: if you are going to compare financial products (not limited to insurance), please give a complete picture of the comparison (e.g. underlying asset, plan mechanics, product costing, etc.) as this is the proper way to COMPARE FINANCIAL PRODUCTS OBJECTIVELY. You cannot compare financial products in a given situation because at the end of the day, FINANCIAL PRODUCTS ARE SERVICES that needs to match different consumers.

Laurence Tan Lee Isa pa pong disadvantage ay pataas ng pataas ang premium ng term insurance habang nadadagdagan ang edad ng client. At pag dumating yung time na may sakit na siya, hindi na siya makakapag renew. Kaya kahit anong mission over commission ang i-apply ni agent, wala din siya magagawa. And for your information, ang commission ng agent sa whole life plan ay sa first few years lang and receding pa ito. After that, purely mission na lang talaga, wala na ang commission. Sa term, may commission si agent as long as nagre-renew si client.

Bok Lamayan it opens up a lot of issues: firstly, how much will the term insurance when one hits 60? will you still be insureable? VUL does not have that issue. second, how good are you in investing the difference? how much time have you spent analyzing investment vehicles? and do you have the time to actively manage the investments that you make? sa stock market dito sa pinas, majority do not survive the first year. when you say ‘investing the difference’, baka i-invest mo rin lang yan sa mutual funds or uitf, which are run by investment managers, who do still charge you.

Manuel Boyet Enicola Slain by the “BTID Killer”…..

Jomar Sarapanan May this could help.. Nakita ko lang..

Hindi natin na masasabi ngayon na ang Term Insurance ay superior sa VUL dahil ito ay may advantages at disadvantages. Ganun din naman na hindi tama na sabihin na mas sulit ang BTID kumpara sa VUL.  Dito ay dapat maintindihan ng kukuha ng Financial Plan kung ano ba ang mas makakatulong sa kanya para ma-achieve nya ang kanyang financial goals sa buhay. Dito ay makakapili ang bibili kung ano ang mas angkop para sa kanya.

Ngayon, ang aking strategy ay Buy VUL at Invest Directly sa Stock Market(MF at Stock Broker) or BVID. Ang aking pundasyon ay may coverage ako na huhulugan sa loob ng sampung taon na pwede ko lagyan ng Riders at mag-self sustain na ito na may life insurance ako hanggang edad na 100 kung buhay pa ako at kasabay nito ay lumalago din ang pera ko dahil ilalagay ito ng VUL sa Stock Market tapos  may direct investment pa ako na kikita sa Stocks ko at Mutual Funds ko. Maaring ang aking strategy ay angkop sa iyo o maaring hindi. Kaya maganda na alamin kung ano ang angkop na Financial Plans at strategy ang  para sa iyo.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607, 0923-4941362
Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance

Nov.07

Paano ba ang mag-invest sa Stock Market?

Kung aaralin mo ang pag-invest sa stock market ay maari mo mapalago ang pera mo sa pagbili ng shares sa mga kumpanya na nakalista sa stock market. Ang stock market ay lugar kung saan merong bumibili at nagbebenta ng mga shares ng mga kumpanya. Kung ikaw ay bibili ng shares ng isang kumpanya ay magiging isa ka na sa may ari ng kumpanya. Kaya pag sila ay kikita ay kasama ka na kikita subalit kung ang nabili mo ay malulugi ay kasama ka din na malulugi.

Merong dalawang paraan kung paano ka makapag invest sa stock market:

1. Stock Broker. Pwede kang mag-invest ng diretso na bumili ng shares ng stocks sa stock broker. Pwede kang tumawag sa traditional stock broker or mag-open ng on-line account para bumili ng shares ng stocks. Ikaw na mismo ang pipili kung anong kumpanya ka mag-iinvest. Dito ay ikaw ang gagawa ng Fundamental Analysis at Technical Analysis para matutukan mo at huwag mawala ang pera mo lalo na pag basura stock ang nabili mo ay maaring maubos ang pera mo. Ang dami ng companies na mapaglalagyan mo ay depende sa pera na kaya mong ilagay dahil minsan ang isang share ng isang company ay Ph2,000 at minimum number of shares to buy ay 5 shares kaagad,dito Ph10,000 kaagad ang kelangan mo ilagay. Pero pag natutunan mo ang pag-invest diretso sa stock market ay mas malaki ang pwede mong kitain pero ang risk ay mas mataas kaya advisable na ito ay bantayan at aralin palagi.

2. Pooled Funds. Dito ay may professionals na pwede na maghandle ng pera mo para mapalago sa stock market. Sila ay ang mga fund managers ng mga investment companies na may mga experience na sa pagpili ng mga kumpanya na inaral na nila na kikita for long-term. Dito ay maraming kumpanya na ang mapaglalagyan ng pera ng investors dahil ito ay nakakalat na. Madalas ay may mga 20 hanggang 30 companies ang paglalagyan ng pera ng investors na kung iisipin ay nasa isang basket na kaya ikaw ay diversified na. Ito ay actively well-managed,kung sa 30 companies na paglalagyan ng pera ng fund managers ay may 10 companies na hindi kikita ay aalisin nila ito at papalitan ng mga kumpanya na kumikita. Sa pooled funds ay hindi mo na kelangan aralin kung anong kumpanya ba ang magandang paglagyan ng pera mo dahil fund managers na ang gagawa nun sa iyo para kumita. Ang risk dito ay hindi kasing taas  kung ikaw mismo ang mag-manage ng investment mo sa stock market.

Ano man ang mapili mo na paraan kung mag-invest ka sa stock market ay depende sa risk na kayang i-handle ng isang tao. Maaring ang isang tao ay may oras sya para aralin ang trend ng pagtaas at pagbaba ng stock market at willing sya na magrisk ay pwede nyang gawin ito na mag-isa at dumiretso sya sa stock broker. Samantala,kung ang isang tao naman ay walang panahon para mag-fundamental/technical analysis ay ipaubaya nya sa mga professionals kung paano i-invest ang kanyang pera sa stock market ay maari syang pumunta sa pooled funds na ang risk ay hindi ganun kataas.

Maaring gawin itong pareho o isang paraan lang. Kahit ano man ang mapili ay maaring kumita sa stock market kung ito ay matutunan. Sa pag-iinvest sa stock market ay maaring kumita ang pera mo mula 4%-20% on average bawat taon long-term na pwede magamit para sa mga financial goals mo sa future tulad ng retirement, pagpapa-aral sa mga anak pang-kolehiyo, pambili ng bahay at lupa at iba pa. Subalit dapat maging handa ka din sa risks sa pag-iinvest sa stock market dahil merong volatility o pagtaas at pagbaba ng presyo ng shares na mararanasan habang nag-iinvest kaya mas maganda na kung mag iinvest ka ay maglagay ka ng pera for long-term para ang risk ay ma-manage.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607, 0923-4941362

 

Personal Finance,Financial Planning,stock market,Pooled Funds

Nov.04

7 Financial Tips na pwedeng gawin sa 13th Month Salary

Marami sa atin ay makakatanggap ng 13th month salary bago matapos ang taon. Ito ay nasa batas natin na ang mga empleyado ay makakatanggap ng ganitong benepisyo. Sa madalas na pagkakataon ay hindi natin nagagamit ito ng tama kaya ito ay nauubos lang lahat at maglalahong parang bula. Alam mo ba na ito ay maari mong magamit para masimulan mo na mapalago ang pera mo dahil sa isang taon lang ito dumadating. Kaya mahalaga na pagplanuhan at i-allocate ng tama kung saan mapupunta ang iyong 13th month salary.

Eto ang aking Financial Tips kung paano ang magandang gawin bago natin i-enjoy ang ating 13th month salary:

1. Bayaran mo ang mga utang mo. Kung hindi mo kaagad mabayaran ng buo ay magandang oportunidad ito na mas malaking halaga kaagad ang maibawas mo sa utang mo. Dito ay mas makakaiwas ka sa mas malaking interest at maayos mo din ang relasyon mo sa pinagkakautangan mo.

2. Kung kulang pa ang Emergency Fund mo ay ito ang pagkakataon na mabuo mo ito. Ang emergency fund ay dapat tatlong buwan ng suweldo mo. Halimbawa, sumusuweldo ka ng Ph20,000 per month ay dapat at least ay may Ph60,000 ka sa banko. Ito ay magagamit mo kung sakali na may emergency expenses ay may mapagkukunan ka tulad ng nawalan ka ng trabaho, nagkasakit ka, nasira bubong ng bahay at iba pa.

3. Kumuha ka na ng Life Insurance . Dito ay ma-protektahan mo ang sarili mo kung sakaling magkaroon ng panganib na hindi inaasahan tulad ng kamatayan, pagkakasakit at pagkabaldado. May magagamit ka na pera at ang iyong mahal sa buhay sa panahon ng pangangailangan.

4. Kumuha ka ng Health Insurance na pwede mong magamit kung sakali man na dumating sa buhay mo ang matitinding sakit tulad ng cancer, kidney failure, heart disease at iba pa. Dito ay magiging handa ka pampinansyal para mapagamot mo sarili mo.

5. Mag-invest ka na para sa iyong Retirement. Alam natin na tayo ay tatanda at darating ang araw na hindi na tayo makakapag hanap buhay kaya habang bata pa ay paghandaan na ang retirement para may magamit kang pang-gastos sa pang araw-araw sa pag-tanda. Maari kang mag-invest sa paper assets tulad ng Bonds, Equities o Stock Market.

6. Mag-invest ka na para sa pag aaral ng iyong mga anak pag sila ay mag-college na habang maaga pa. Dito ay mapapalago mo ang pera mo para pagdating ng araw ay may  magagamit ka na pang matrikula kesa maghahabol ka ng pag-iipon. Maari mong  ilagay ang pera mo long-term sa Stock Market. Kung ikumpara mo na ilagay mo sa bangko ay maaring magbigay sa iyo ng 1% kada taon samantalang kung sa stock market mo ito palaguin ay kikita ito ng 10% hanggang 14% kada taon on average.

7. Mag set aside ka ng portion sa mga bagay na gusto mo bilhin na magpapasaya sayo, sa iyong pamilya at mga kaibigan. Marapat lang na atin ding i-enjoy ang ating 13th month salary sa tamang paraan. Huwag ding kalimutang i-share ang blessings sa mga nangangailangan.

Dapat maintindihan mo kung saan ba napupunta ang 13th month salary mo dahil kung hindi mo ma-prioritize ng tama ay lahat ng ito ay mapupunta lang lahat sa gastos na wala ka ng magagamit sa hinaharap. Hindi naman masama na ating i-enjoy ang 13th month natin pero mas maganda na maging matalino tayo sa paghawak ng ating pera na tayo ay may magamit na pang gastos ngayon at ganun din naman para sa future.Hindi natin ma-guarantee ang income sa future dahil tayo ay tatanda at maaring magkasakit na hindi na natin kaya makapagtrabaho kaya dapat na maging matalino sa perang ating matatanggap. Kaya pag natanggap mo na ang 13th month salary mo ay alam mo na kung ano ang magandang gawin.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607

 

Savings,Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance

Oct.29

Ang mga benepisyo ng Life Insurance

Kapag napaguusapan ang life insurance ay ang madalas na nasasabi ng mga nakakausap ko sa umpisa ay hindi pa naman sila mamamatay, bata pa sila para kumuha nyan, madami pang gastos kaya tska na lang, healthy naman sila at kung anu ano pa na madalas na pagkakataon ay binabalewala lang at ginagawa pang biro ang kahalagahan ng life insurance.

Pero dahil naiintindihan ko ang kahalagahan ng life insurance ay tuloy tuloy pa din ako sa pagbahagi ng  impormasyon tungkol dito hanggang sa maintindihan ito ng mga nakakausap ko. Alam ko na kulang pa ang kaalamang pampinansyal ng mga Pilipino kaya karamihan sa atin ay isinasantabi pa ang kahalagahan ng life insurance. Mapapansin mo na sa sampung kakilala mo ay maaring isa o dalawa lang sa atin  ang may life insurance. Kaya karamihan sa atin pag may mga panganib na dumadating sa ating buhay ay hindi tayo handa pampinansyal.

Ang panganib sa ating buhay ay hindi maiiwasan kaya dapat ito ay ating ding paghandaan sa pamamagitan ng Life Insurance. Ito ay dapat na maisama natin sa ating budget dahil ito ay may malaking benepisyo na maibibigay sa atin kung mangyari man ang kamatayan, pagkakasakit, pagkabaldado at katandaan. Ito ay ang magbibigay ng pera na kelangan natin para matustusan ang mga gastusin patungkol sa mga panganib na pwedeng dumating sa ating buhay.

Ating alamin ang mga benepisyo na makukuha kapag may life insurance:

1. Death Benefit. Kung ang isang indibidwal ay namatay ay may makukuhang pera ang mga naiwan na mahal sa buhay. Itong pera na ito ay magagamit para makapag patuloy ng pamumuhay ang pamilyang naiwan para hindi tuluyang maghirap. Ang death benefit ay maaring magamit sa pagpapatuloy ng pag aaral ng mga anak, pambayad sa utang, pambayad sa estate tax at pang-gastos sa pang araw-araw ng pamilyang naiwanan.

2. Living Benefit. Ito ay magagamit ng isang policy holder habang siya ay nabubuhay. Maari syang mag-withdraw mula sa kanyang Fund Value para may magamit sa pang-gastos sa future. Ang kanyang pera ay maaring lumago mula 10%-12% bawat taon long-term dahil ito ay ilalagay sa pooled fund na naka-invest sa stock market. Maari kang makapili kung anong pooled fund mo pwede ilagay ang iyong pera depende sa mapipili mo kung high risk o low risk ka.

3.Riders. Ito ay ang mga dagdag na benepisyo na makukuha mo sa life insurance.  May mga mapagpipilian ka na riders para madagdagan ang iyong proteksyon bukod sa life insurance. Ito ay ang mga Accident Death Benefit,Hospitalization Benefit, Dread Disease Rider,Waiver of premium, Payor’s Rider, at Indemnity Rider. Ang mga riders na ito ay may mga benepisyo na pwede magamit pag kinailangan. Ang isang halimbawa nito ay ang Hospitalization Benefit na pag na ospital ay may makukuha na pera para maipambayad sa ginastos sa ospital.

Ang life insurance ay dapat na isama natin sa ating budget dahil ito ang magbibigay ng income kapag nagkasakit, na-disable at kung mamatay ay mayroong makukuhang benepisyo na magagamit.Hindi lahat tayo ay pwede magka life insurance dahil maaring may sakit na, ma- edad na at maaring dahil wala tayong hanapbuhay para ipambayad.

Kung ating mapapansin kung tayo ay may kinikita man ay hindi natin ito sinasama sa ating budget kaya dapat kung tayo ay kumikita ay maigi na proteksyunan muna natin ang ating sarili. Mas maganda na habang tayo ay naghahanap buhay ay mayroon tayong peace of mind na pag dumating ang mga hindi inaasahang pangyayari ay meron tayong mapagkukunan mula sa ating life insurance policy.  Kaya maganda na ating paglaanan ang life insurance mula sa ating mga kinikita.

Mas makakatipid ka kung ikaw ay may life insurance kumpara kung sa wala kang life insurance kapag may mga panganib na pwede mangyari sa ating buhay kaya mas magandang kumuha habang bata at nasa magandang kalusugan pa. Ako ay umaasa na pagkatapos mong basahin ang aking blog ay maintindihan mo ang kahalagahan ng life insurance.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607, 0923-4941362
Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance

Bakit Mahalaga Ang Buffer Fund?

Ang pag-iipon ng pera ay isang magandang makasanayan na gawain dahil ito ang pundasyon para makamit ang magandang kinabukasan. Sa pag-iipon ay binabayaran mo din ang sarili mo para may magamit  sa gastusin sa hinaharap. Pero dapat ay hindi lang tayo palaging mag-iipon dahil pag puro lang tayo ipon sa bangko ay hindi naman lalago ang ating pera.  Mahalaga din na dapat ay palaguin natin ang ating kaalaman na patungkol sa pampinansyal. Kung mag-iipon ka ay dapat meron kang dahilan kung bakit mo iyon gagawin.

Sa blog na ito ay alamin natin ang buffer fund. Ang buffer fund ay ang ipon na pwedeng mong mapagkunan ng pera kapag nagkaroon ng gastusin na hindi inaasahan. Ang mga gastusing ito ay kelangan mo kaagad bayaran kasi pag hindi mo nabayaran ay siguradong lalong lalaki ang problema. Ang mga emergency expenses ay katulad ng biglang may na-ospital na mahal mo sa buhay, nasira ang kotse mo, may kailangang bayaran sa eskwelahan ng anak mo ng biglaan, nasira ang bubong ng bahay, nawalan ka ng trabaho, nagkasakit ka at iba pa.

 Dapat malaman natin kung kelan natin gagamitin ang buffer fund kasi kung hindi ay mauubos mo din ito. Hindi mo masasabi na emergency expense ang SALE sa mall para mamili ka, biglang nagyaya ang mga ka-trabaho mo na mag-out of town na hindi mo naman pinaghandaan, pa-birthday pakain mo sa bahay na wala sa plano, bibili ng  bagong cellphone para makasabay lang sa uso at iba pa. Ang idea dito ay gagamitin mo lang ang buffer  fund mo sa mga talagang kailangan na gastusin at hindi mo ito gagamitin kung hindi naman kelangan kaaagad dahil kung may gusto kang bilhin ay dapat naka-plano ang pag-gastos.

Magkano ba dapat ang buffer fund na meron ka?

Kung ikaw ay may regular na trabaho ay magtabi ka ng 1 hanggang 3 buwan na gastusin mo sa bangko. Halimbawa ay gumagastos ka ng Ph20,000 sa isang buwan para sa iyong sarili at pamilya mo ay dapat meron kang Ph60,000 na buffer fund.

Kung ikaw naman ay walang regular na income dahil maaring self-employed ka or nag-nenegosyo ka ay dapat may nakatabi ka na 3 buwan hanggang 6 na buwan mong gastusin  sa bangko.Halimbawa ay gumagastos ka ng Ph30,000 sa isang buwan para sa iyong sarili at pamilya mo ay dapat meron kang  Ph180,000 na buffer fund.

Ang buffer fund ay mahalaga dahil ito ay ang magsisilbing pondo mo na mapagkukunan kung sakaling may mga gastusin na hindi inaasahan. Hindi mo na kelangan mangutang kung kelanganin mo ng pera. Ito ay dapat nakalagay sa bangko na iyong savings account na madali mong ma-withdraw para pag kinailangan mo ay makukuha mo kaagad. Ang pagbuo ng buffer fund ay dapat na unti-untiing simulan sa tamang pagtatabi ng pera sa tuwing kumikita. Gamitin ang formula na Income Minus Savings=Expenses para epektibo ang pag-iipon.

Sa tuwing magagamit mo ang buffer fund ay dapat mo din itong palitan hanggang sa mabuo mo ulit ito, mas maganda na manghiram ka sa sarili mong pondo kesa manghiram ka pa sa iba na sa madalas na pagkakataon ay nagkakaroon pa ng samaaan ng loob kung hindi ito kaagad nababayaran. Ngayon, pag meron ka ng buffer fund ay maari ka na ngayon mag-diversify para mapalago mo na ang iyong pera at ma-proteksyonan mo din ang iyong sarili. Kaya umpisahan mo ng buuin ang iyong buffer fund.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Savings,Personal Finance,Financial Planning

50-30-20 Budget Allocation

Mahalaga talaga mag-ipon sa tuwing tayo ay nakakatanggap ng kita. Alam natin na hindi tayo lagi may pagkakataon na kumita kasi may mga pangyayaring hindi maiiwasan tulad na tayo ay tatanda,  magkakasakit, ma-disable at maaring tayo ay mawala na sa mundong ibabaw kaya dapat na paghandaan din natin kung sakaling mangyari yun. Sa una kong blog ay nai-share ko na ang pamamaraan na dapat natin gawin pag tayo ay mag-ipon ay ito: Income Minus Savings=Expenses. Ito ay makakatulong sa atin para ma-prioritize ang pag-iipon bago gumastos.

Sa blog na ito ay i-share ko naman kung paano ba natin dapat hatiin ang ating kinikita para may disiplina tayo sa paghawak ng ating pera. Ito ay ang 50-30-20 Budget allocation. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ka ng sistema na lagi mong susundin sa tuwing may kita ka.

Ano nga ba ang 50-30-20 Budget allocation?
Ito ay ang paraan na alam mo kung saan mapupunta ang iyong pera,namo-monitor at malalaman mo kung ano ang priorities mo. Dito ay pinoporsyento mo ang kita mo sa 50%,30% at 20%.

Isa-isahin natin:
50% ng kita. Dito ay paglalaanan mo ang mga gastusin na importante o needs. Sa mga gastusing ito ay wala kang option kundi bayaran mo ito kung hindi ay maapektuhan ang pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga gastusing ito ay ang bayarin sa kuryente, tubig, pagkain, pamasahe, pang-gasolina,matrikula, damit, upa sa bahay,utang, at iba pa.

30% ng kita. Dito ay paglalaanan mo ang mga gastusin na masasabi mong wants o hindi naman maapektuhan ang pamumuhay mo kahit wala ito. Ito ay ang mga gastusin na kaya mo ma-control kung bibilhin mo ba or kahit hindi muna. Halimbawa nito ay ang pag-bili ng mahahaling cellphone, pagkain sa mga mamahaling restaurant linggo lingo, pagbili ng mga kasangkapang hindi naman nagagamit, palagiang pag-byahe sa iba’t-ibang lugar na dumarating na sa punto na inuutang na sa credit card,pag-subscribe sa 3 cable companies at iba pa.

20% ng kita. Dito ay paglalaanan mo na ang pag-save, insure at pag-invest.Ito ay ang gagamitin mo para sa gastusin mo sa hinaharap. Ito ay ang dapat inuuna na itabi bago gumastos. Sa porsyento na ito ay mapapalago mo ang pera mo at maitatabi mo para magamit mo sa gagastusin mo sa future halimbawa sa para sa retirement mo, pag-popondo sa edukasyon ng mga anak, pang-pondo sa pina-plano na negosyo, pambili ng bahay at lupa at marami pang iba. Dito ay may ma-diversify mo ang pera mo na habang lumalago ay napo-protektahan mo din ang iyong sarili.

Ang sistema  na ito pag lagi mong gagawin ay magbibigay sayo ng opportunidad na makakamit mo ang mga financial goals mo sa future. Ito ay hindi madali gawin kasi may iba-iba tayong priorities na sa madalas na pagkakataon ay mali ang ating priorities kaya hindi nakakapagtaka na pagdating na tayo ay 60 years old na ay karamihan sa atin ay maghihirap. Pero pag nadisiplina mo ang sarili mo ay makakasiguro ka na may benepisyo ka na makukuha para sa kinabukasan.

Savings,Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance

Paano ba mag-ipon ng tama?

Marami sa atin na magsasabi na mahirap mag-ipon ng pera kasi sobrang daming gastusin. Pataas na ng pataas na ang bilihin tapos ang sweldo hindi naman tumataas basta basta kaya hindi na talaga makapag-ipon. Marami sa atin ay ilang taon na nagta-trabaho pero wala  man lang naiipon na pera. Masasabi natin na mahirap talaga mag-save pero ang paniniwala ko ay nasa disiplina lang yan. Pwedeng mali ang priorities natin kaya hindi tayo nakaka-ipon.

Savings,Personal Finance,Financial Planning