Nov.07

Paano ba ang mag-invest sa Stock Market?

Paano ba ang mag-invest sa Stock Market?

Kung aaralin mo ang pag-invest sa stock market ay maari mo mapalago ang pera mo sa pagbili ng shares sa mga kumpanya na nakalista sa stock market. Ang stock market ay lugar kung saan merong bumibili at nagbebenta ng mga shares ng mga kumpanya. Kung ikaw ay bibili ng shares ng isang kumpanya ay magiging isa ka na sa may ari ng kumpanya. Kaya pag sila ay kikita ay kasama ka na kikita subalit kung ang nabili mo ay malulugi ay kasama ka din na malulugi.

Merong dalawang paraan kung paano ka makapag invest sa stock market:

1. Stock Broker. Pwede kang mag-invest ng diretso na bumili ng shares ng stocks sa stock broker. Pwede kang tumawag sa traditional stock broker or mag-open ng on-line account para bumili ng shares ng stocks. Ikaw na mismo ang pipili kung anong kumpanya ka mag-iinvest. Dito ay ikaw ang gagawa ng Fundamental Analysis at Technical Analysis para matutukan mo at huwag mawala ang pera mo lalo na pag basura stock ang nabili mo ay maaring maubos ang pera mo. Ang dami ng companies na mapaglalagyan mo ay depende sa pera na kaya mong ilagay dahil minsan ang isang share ng isang company ay Ph2,000 at minimum number of shares to buy ay 5 shares kaagad,dito Ph10,000 kaagad ang kelangan mo ilagay. Pero pag natutunan mo ang pag-invest diretso sa stock market ay mas malaki ang pwede mong kitain pero ang risk ay mas mataas kaya advisable na ito ay bantayan at aralin palagi.

2. Pooled Funds. Dito ay may professionals na pwede na maghandle ng pera mo para mapalago sa stock market. Sila ay ang mga fund managers ng mga investment companies na may mga experience na sa pagpili ng mga kumpanya na inaral na nila na kikita for long-term. Dito ay maraming kumpanya na ang mapaglalagyan ng pera ng investors dahil ito ay nakakalat na. Madalas ay may mga 20 hanggang 30 companies ang paglalagyan ng pera ng investors na kung iisipin ay nasa isang basket na kaya ikaw ay diversified na. Ito ay actively well-managed,kung sa 30 companies na paglalagyan ng pera ng fund managers ay may 10 companies na hindi kikita ay aalisin nila ito at papalitan ng mga kumpanya na kumikita. Sa pooled funds ay hindi mo na kelangan aralin kung anong kumpanya ba ang magandang paglagyan ng pera mo dahil fund managers na ang gagawa nun sa iyo para kumita. Ang risk dito ay hindi kasing taas  kung ikaw mismo ang mag-manage ng investment mo sa stock market.

Ano man ang mapili mo na paraan kung mag-invest ka sa stock market ay depende sa risk na kayang i-handle ng isang tao. Maaring ang isang tao ay may oras sya para aralin ang trend ng pagtaas at pagbaba ng stock market at willing sya na magrisk ay pwede nyang gawin ito na mag-isa at dumiretso sya sa stock broker. Samantala,kung ang isang tao naman ay walang panahon para mag-fundamental/technical analysis ay ipaubaya nya sa mga professionals kung paano i-invest ang kanyang pera sa stock market ay maari syang pumunta sa pooled funds na ang risk ay hindi ganun kataas.

Maaring gawin itong pareho o isang paraan lang. Kahit ano man ang mapili ay maaring kumita sa stock market kung ito ay matutunan. Sa pag-iinvest sa stock market ay maaring kumita ang pera mo mula 4%-20% on average bawat taon long-term na pwede magamit para sa mga financial goals mo sa future tulad ng retirement, pagpapa-aral sa mga anak pang-kolehiyo, pambili ng bahay at lupa at iba pa. Subalit dapat maging handa ka din sa risks sa pag-iinvest sa stock market dahil merong volatility o pagtaas at pagbaba ng presyo ng shares na mararanasan habang nag-iinvest kaya mas maganda na kung mag iinvest ka ay maglagay ka ng pera for long-term para ang risk ay ma-manage.

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607, 0923-4941362

 

Personal Finance,Financial Planning,stock market,Pooled Funds
Share this Story:
  • facebook
  • twitter
  • gplus

About Archie Yuki

Si Archie Yuki ay advocate ng Financial Literacy. Marami na syang natulungan na mga Filipinos na pahalagahan ang importansya ng Financial Planning sa pamamagitan ng pag-save, pag-insure, pag-invest at pag-preserve ng assets. Siya ay qualified para matulungan kang makagawa ng Financial Plan para sa mga financial goals mo para sa future. Pwede mong paghandaan ang iyong Retirement, paghahanda para sa edukasyon sa iyong mga anak, makaipon para pag-pondo sa iyong negosyo na pinaplano, health funding at marami pang iba.

Naniniwala si Archie na ang mga Pilipino ay dapat matuto na mag-save at mag-invest na hindi na lang palaging gastos ang uunahin sa tuwing kumikita. Sa pamamagitan ng Financial Planning ay maaring makamit ng mga Pilipino ang mga pangarap na pam-pinansyal para sa magandang kinabukasan.

Nakikita nya sa pamamagitan ng pangka-alamang pampinansyal ay maaring mabawasan ang mga mahihirap sa ating bansa. Hindi lang puro ang mayayaman ang pwede umasenso pero kahit mahirap ay pwede umasenso sa pamamagitan ng Financial Planning.

Nag-conduct sya ng Financial Literacy seminars sa mga schools, government offices, Barangay Halls, at sa mga private offices.May lisensya sya bilang Financial Planner. Accredited trainer sya ng Life Insurance Licensure Exam at Variable Unit Linked Licensure Exam.Sya ay certified Overseas Filipinos Workers Specialist na nag-specialize para mapalago ang kanilang pera. Sya ay Certified Investment Solicitor.

Sya ay accredited Health Insurance Specialist at Non-Life Insurance Specialist. Sya ay resource speaker ng The Advocacy Group or SOLA-TAG na patungkol sa Financial Planning.

Leave a comment

Comment