Dec.24

Investing Tips sa Taong 2018

Investing Tips sa Taong 2018

Matatapos na ang taong 2017 at marami tayong ipagpapasalamat sa lahat ng mga bagay na nangyari sa atin. Sa papasok na 2018 ay tuloy tuloy pa din ang paghahanap buhay para maabot natin ang mga financial goals natin sa para sa ating mga mahal sa buhay at sa kapwa tao.

Isang paraan upang maabot natin ng mas mabilis ang ating mga financial goals ay matuto tayong mag-invest. Ang pag-iinvest ay isang mabuting gawain upang mapalago natin ang ating pera para may magamit tayong gastusin sa hinaharap.

Narito ang mga tips ko kung ikaw ay mag-iinvest na sa taong 2018:

1.Simulan mo na kaagad ang mag-invest. Huwag ka ng magluwat sa pag-invest dahil kakampi mo ang panahon at interest kung ikaw ay mag-invest ng maaga. Mas kikita ka ng mas malaki kung mag-invest ka ng maaga kumpara kung huli ka na mag-invest. Ang pinakamagandang panahon na mag-invest ay kahapon.

2. Alamin kung kelan at saan mo gagamitin ang kikitain mo sa investment mo. Ang pag-iinvest mo ba ay gagamitin mo para sa short term, mid term, o long term? Ang short term goals ay ito ay ang mga gagastusin mo sa susunod na isa hanggang tatlong taon, ang mid term goals naman ay gagamitin mo mula limang taon hanggang pitong taon at long term goals naman ay gagamitin mula sampung taon pataas. Saan mo ba gagamitin ito? Ito ba ay gagamitin mo para sa Retirement mo, pang-pundar mo ng negosyo, pambili ng property at iba pa. Dapat alam mo ang dahilan mo kung bakit ka mag-iinvest.

3.Alamin kung ano ang uunahin o dapat i-prioritize mo sa mga financial goals mo. Maaring ang priorities mo ay ang pag-iipon para sa pag aaral sa mga anak mo kung sila ay magkolehiyo, maaring mag-iinvest ka para makapagsimula ka ng negosyong gusto mo o kay ay bibili ka na ng bahay at lupa at marami pang iba. Dito ay malalaman mo kung saan ba maganda ilagay ang pera para i-invest at magkakaroon ka ng plano sa bawat isa sa mga financial goals mo.

4.Magkaroon ng tamang kaisipan tungkol sa investment. Dapat ay maintindihan mo kung paano ba kumikita sa investment na gagawin mo dahil madaming mga financial vehicles na hindi pala dapat sayo o kaya ito pala ay isang investment scam. Tandaan na ang prinsipyo sa pag-iinvest ay low risk=low returns,mid riks=mid returns at high risk=high returns. Maari kang mag-invest sa money market,bonds,equities,business, life insurance, real estate at marami pang iba.

5.Alamin kung ano risk profile ka bago ka mag-invest. Ikaw ba ay takot mag-invest, o kaya naman ay ikaw ba ay mid-risk investor o kaya ay high risk investor. Kung alam mo kung ano ang risk profile mo ay maintindihan mo kung saan ka angkop maglagay ng iyong investment.

6. Mahalaga na bago ka mag-invest ay dapat maintindihan mo na dapat ay may savings ka muna at mayroon kang life insurance na may riders na accident insurance,income replacement at medical funding. Ang dahil ay para may magamit ka na pera kung sakaling magkaroon ng gastusin na hindi inaasahan ay handa ka tulad emergency expenses at pagkakasakit.Ang iyong pera sa investment  ay hindi mo ipu-pull out dahil may savings ka at life insurance na iyong magagamit. Dito ay diversified ang iyong pera para protektado ka.

7. Gawing habit ang pag-iinvest. Ito ay dapat na kasama na sa budget mo sa tuwing matatanggap mo ang kita mo. Mas malaki ang tsansa na maabot mo ang financial goals mo kung palagi ka mag-iinvest kumpara sa paminsan minsan lang mag-iinvest o kung kelan lang maisipan.

Sa pag-iinvest ay dapat maintindihan natin na tayo ay nagsasakripisyo ng kaunti para may magamit tayo sa gastusin sa hinaharap dahil kung ang lahat ng kita natin ay uubusin lahat sa gastos ngayon ay tayo din ang mahihirapan kapag dumating na wala na tayong kakayanan na maghanap buhay dahil maaring magkasakit, mabaldado,tumanda o di kaya ay dumating ang kamatayan sa atin. Kaya maganda na tayo ay may disiplina sa paghawak ng ating pera. Walang maliit na sweldo sa taong magaling mag-tipid,ganun din naman,walang malaking sweldo sa taong magaling gumastos.

Simulan mo na mag-invest!

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Blog site: http://archieyuki.com/
Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance,Financial Literacy
Share this Story:
  • facebook
  • twitter
  • gplus

About Archie Yuki

Si Archie Yuki ay advocate ng Financial Literacy. Marami na syang natulungan na mga Filipinos na pahalagahan ang importansya ng Financial Planning sa pamamagitan ng pag-save, pag-insure, pag-invest at pag-preserve ng assets. Siya ay qualified para matulungan kang makagawa ng Financial Plan para sa mga financial goals mo para sa future. Pwede mong paghandaan ang iyong Retirement, paghahanda para sa edukasyon sa iyong mga anak, makaipon para pag-pondo sa iyong negosyo na pinaplano, health funding at marami pang iba.

Naniniwala si Archie na ang mga Pilipino ay dapat matuto na mag-save at mag-invest na hindi na lang palaging gastos ang uunahin sa tuwing kumikita. Sa pamamagitan ng Financial Planning ay maaring makamit ng mga Pilipino ang mga pangarap na pam-pinansyal para sa magandang kinabukasan.

Nakikita nya sa pamamagitan ng pangka-alamang pampinansyal ay maaring mabawasan ang mga mahihirap sa ating bansa. Hindi lang puro ang mayayaman ang pwede umasenso pero kahit mahirap ay pwede umasenso sa pamamagitan ng Financial Planning.

Nag-conduct sya ng Financial Literacy seminars sa mga schools, government offices, Barangay Halls, at sa mga private offices.May lisensya sya bilang Financial Planner. Accredited trainer sya ng Life Insurance Licensure Exam at Variable Unit Linked Licensure Exam.Sya ay certified Overseas Filipinos Workers Specialist na nag-specialize para mapalago ang kanilang pera. Sya ay Certified Investment Solicitor.

Sya ay accredited Health Insurance Specialist at Non-Life Insurance Specialist. Sya ay resource speaker ng The Advocacy Group or SOLA-TAG na patungkol sa Financial Planning.

Leave a comment

Comment