May.02

Intermittent Budgeting

Intermittent Budgeting

Hirap ka ba mag-budget at di ka makapag-save? Bakit hindi mo gawin ang Intermittent Budgeting?Usong-uso ang intermittent fasting ngayon,bakit di mo din gawin ang intermittent budgeting? Nakaka-stress talaga ang mag budget kasi sa dami ng gastusin sa pang araw-araw. Oo, pwede ka pa din makapag-ipon kung gagawin mo ang intermittent budgeting. Narito ang isang paraan na pwede mong gawin para makapag-ipon ka ng epektibo sa pamamagitan ng intermittent budgeting.

Ang prinsipyo ng intermittent fasting ay may nakatakda kang panahon kung kelan ka kakain at hindi kakain. Sa panahon na kakain ka ay pwede mong kainin ang gusto mong kainin pero sa panahon na hindi ka kakain ay di ka dapat kumain. Makikita mo na ito ay may magandang benepisyo sa iyong kalusugan.

Ngayon, sa intermittent budgeting ay ganun din ang gagawin mo. Mas magandang sa tuwing kikita ka ay alam mo kung kelan ka gagastos at hindi gagastos dahil may susundin ka na formula. Ang formula na gagawin mo na susundin ay Income-Savings=Expenses. Dito ay dapat alam mo na sa panahon na matanggap mo ang kita mo ay alam mo kung kelan at saan mo gagastusin ang pera mo. Sa simula pa lang ay dapat alam mo na ang unang mong gagawin na mag-save ka muna mula 10%-20% ng iyong kita at 70%-80% ay mapupunta sa expenses.

May disiplina ka kung kelan mo gagastusin ang pera mo na may alokasyon na kung saan ito mapupunta.  Halimbawa, alam mo kung kelan ka magbabayad ng bills,kakain sa labas,pambayad sa upa, matrikula ng mga bata, pambili ng grocery, at iba pa. Dito ay may disiplina na hindi mo na gagalawin ang savings mo. May panahon na gagastos ka at may panahon din na hindi ka na dapat gagastos.

Ang benepisyo ng intermittent budgeting ay magdudulot ng magandang kasanayan na uunahin mo muna ang mag-save bago ka gumastos.Makikita mo na pag lumalago na ang savings mo ay maari ka na mag-diversify. Maari ka na makabili ng life insurance para maprotektahan mo ang sarili kapag may mga panganib na dumating sa buhay mo tulad ng pagkakasakit,pagka-aksidente o kaya ay pagkamatay. Bukod pa dito ay dahil sa pag-iipon mo ay magkakaroon ka na din ng pagkakataon na makapag-invest para mapalago mo naman ang pera mo.

Mahihirapan ka na gawin ito kung hindi mo papraktisin ang intermittent budgeting na uunahin mo muna ang pag-iipon bago ka gumastos at alam mo kung kelan ka gagastos at hindi gagastos. Hindi mo naman kelangan lagi mag-budget dahil talagang maii-stress ka pag araw araw ka pa magba-budget,kaya maganda na gagawin mo ang budgeting sa panahon na matatanggap mo ang kita mo ay dun ka na mag-budget hanggang sa susunod na kita  mo ay may disiplina ka kung saan dapat napupunta ang pera mo.

Ngayon dahil naiintindihan mo na ang benepisyo ng intermittent budgeting ay maganda na simulan mo na at makikita mo ang magandang benepisyo ng pag-iipon at magsimula ng iyong Financial Planning para maabot ang iyong mga Financial goals sa buhay.

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
EagleOne District Office Insular Life
6th floor I-Care Bldg. 167 Legaspi Street corner Dela Rosa Street
Legaspi Village Makati City
Mobile Number. 0917-5769607
Landline No.: 02-622-4328
Savings,Personal Finance,Financial Planning,Financial Literacy
Share this Story:
  • facebook
  • twitter
  • gplus

About Archie Yuki

Si Archie Yuki ay advocate ng Financial Literacy. Marami na syang natulungan na mga Filipinos na pahalagahan ang importansya ng Financial Planning sa pamamagitan ng pag-save, pag-insure, pag-invest at pag-preserve ng assets. Siya ay qualified para matulungan kang makagawa ng Financial Plan para sa mga financial goals mo para sa future. Pwede mong paghandaan ang iyong Retirement, paghahanda para sa edukasyon sa iyong mga anak, makaipon para pag-pondo sa iyong negosyo na pinaplano, health funding at marami pang iba.

Naniniwala si Archie na ang mga Pilipino ay dapat matuto na mag-save at mag-invest na hindi na lang palaging gastos ang uunahin sa tuwing kumikita. Sa pamamagitan ng Financial Planning ay maaring makamit ng mga Pilipino ang mga pangarap na pam-pinansyal para sa magandang kinabukasan.

Nakikita nya sa pamamagitan ng pangka-alamang pampinansyal ay maaring mabawasan ang mga mahihirap sa ating bansa. Hindi lang puro ang mayayaman ang pwede umasenso pero kahit mahirap ay pwede umasenso sa pamamagitan ng Financial Planning.

Nag-conduct sya ng Financial Literacy seminars sa mga schools, government offices, Barangay Halls, at sa mga private offices.May lisensya sya bilang Financial Planner. Accredited trainer sya ng Life Insurance Licensure Exam at Variable Unit Linked Licensure Exam.Sya ay certified Overseas Filipinos Workers Specialist na nag-specialize para mapalago ang kanilang pera. Sya ay Certified Investment Solicitor.

Sya ay accredited Health Insurance Specialist at Non-Life Insurance Specialist. Sya ay resource speaker ng The Advocacy Group or SOLA-TAG na patungkol sa Financial Planning.

Leave a comment

Comment