Nov.17

Financial Tips Para sa OFWs

Financial Tips Para sa OFWs

Marami sa ating mga kababayan ay umaalis ng bansa para mag hanapbuhay sa abroad para mas kumita ng malaki at para magkaroon ng magandang buhay. Ang Overseas Filipino Workers ay ang ating mga Bagong Bayani.  Ang OFW Cash Remittances nung taong 2016 ay umabot ng $26.9 Billion at ito ay inaasahang tataas pa ng tataas bawat taon. Ito ay nagdudulot ng paglago ng ating ekonomiya dahil ang mga makakatanggap ng pera dito sa ating bansa ay kanila itong gagamitin para sa pang-araw araw na pamumuhay.

Subalit ang pagiging OFW ay hindi permanente. Dapat ay matuto kung paano ba ang magandang gawin kapag kumikita na ng mas malaki kumpara nung dito pa naghahanap buhay sa Pilipinas. Kelangan ng Financial Literacy dahil may mga alam ako na OFWs na nag-trabaho sa abroad ng 20-30 na taon pero nung bumalik sa Pilipinas ay naghirap ulit. Hindi natuto mag-plano ng pampinansyal kaya kahit malaki ang kita noong nag-aabroad ay hindi ito napalago dahil napunta lahat sa gastos.  Sabi nga ng paborito kong author na si Dave Ramsey: Unless you control your money, making more won’t help. You will just have bigger payments.

Narito ang mga Financial Tips ko para sa mga OFWs:

Mag-Set ka ng Goals.

Dapat meron kang goals kung bakit ka mag-aabroad. Aalamin mo kung magkano ang pera na dapat mong maiuwi sa iyong pamilya sa tuwing matatapos ang iyong kontrata. Ang kinikita mo ay dapat naka-allocate ng tama. Dito ay dapat inuuna mo ang pagbayad ng utang, savings at investment bago ang pang-gastos. Gamitin ang 50-30-20 Budget allocation. 50% ng kita mo ay sa gastos para sa needs, 30% ay para sa mga gastos sa wants at 20% ay para sa pagpapalago ng iyong pera para may magamit sa gastusin sa future. Maging matalino sa paghawak ng iyong kinikita.

Mag-set ka ng timeframe kung hanggang kelan ka mag-aabroad.

Dito ay dapat mag-set ka ng panahon kung ilang taon ka lang mag-aabroad. Hindi ka habambuhay mag-aabroad dahil meron kang pamilya na uuwian. Halimbawa ay 15 taon ka lang mag-aabroad ay meron kang paghahandang pampinansyal na mag-sustain mo na ang sarili at pamilya mo pag hindi ka na maghanap buhay sa abroad.

Turuan mo ang pamilya mo na magkasiya sa pera na ipapadala mo.

Mas maganda na mag-set ka ng budget na dapat lang magamit bawat buwan para hindi lahat ng kinikita mo ay mapupunta sa gastos. Magtabi ka din para sa sarili mo dahil magagamit mo din ito para sa pamilya mo sa hinaharap. Maintindihan ng mahal mo sa buhay na may financial goals kayo na gusto ma-attain kaya ka nag-aabroad at hindi gastos lang ang focus kundi ang pag-iipon at pag-iinvest ang mauna.

Kumuha ka ng Life Insurance.

Ang paghahanap buhay sa abroad ay may panganib. Kung sakaling dumating ang kamatayan ay may benepisyo na makukuha ang pamilya mo. Ang ideal na life insurance coverage na dapat meron ka ay sampung beses ng isang taon mo na gastos sa pamilya mo. Halimbawa ay gumagastos ka sa pamilya mo ng Ph30,000 sa isang buwan on average ay dapat may Ph3.6M(30,000X12 months x 10 years) Life Insurance coverage ka. Dito ay makakapag-patuloy ng pamumuhay ang iyong pamilya sa sampung taon na parang nandyan ka na nagbibigay ng Ph30,000 bawat buwan at dito ay makakapag-adjust sila ng maayos kesa tuluyang bumagsak ang pamumuhay.

Mag-invest ka sa Paper Assets.

Dito ay maari mong mapalago ang iyong pera depende sa iyong purpose. Eto ang mga options na pwede mong mapaglagayan: savings, time deposits, money market, bonds at stock market. Mapapalago mo ang iyong pera depende sa goals mo para sa gastusin mo sa future kaya dapat alamin mo kung saan ka maglalagay. Pwede ka maglagay para sa pinag-iipunan mong pam-paaral sa iyong mga anak, pambili ng bahay at lupa, pantayo ng negosyo, at iba pa.

Mag-invest ka sa Real Estate.

Ang real estate ay isa sa magandang paraan para magkaroon ka ng passive income dahil pwede mo itong mapaupa. Mas makakatipid ka kung bibili ka ng pre-selling properties at kung mababayaran mo ng mas malaking downpayment ay mas liliit ang monthly mortgages mo. Halimbawa ay may 3 units ka ng condo sa Metro Manila at pinapaupa mo ito ng Ph25,000 bawat buwan ay may kikitain ka na Ph75,000 kada buwan.

Paghandaan ang iyong Retirement.

Karamihan sa ating mga Pilipino ay hindi pinaghahandaan ang Retirement. Lahat tayo ay darating sa panahon na tayo ay tatanda. Kahit OFW ka o hindi ay talagang titigil tayo mag-trabaho kaya dapat ito ay paghandaan. Ayon sa statistics,  63% ng mga Pilipino pag umedad ng 60 ay wala talagang pera dahil aasa sa mga anak at kamag-anak. Maari mo itong maiwasan kung ikaw ay mag-iinvest.

Magsimula ka ng negosyo.

Habang nag-tatrabaho ka sa abroad ay magsimula ka na din magnegosyo. Dito ay madadagdagan ang iyong kinikita bukod sa trabaho mo sa abroad. Maaring bumili ka ng sasakyan at ipapasada mo, magtayo ng mini-grocery,babuyan, o kaya ay mag-franchise ka at marami pang iba.

Mag-aral ka tungkol sa Financial Planning.

Makipag-usap ka sa mga professionals para ma-guide ka kung paano ba ang magandang gawin patungkol sa iyong finances. Mas lamang ang may alam dahil mas mahal ang pagiging ignorante. Marami sa mga OFWs ay nabibiktima ng investment scams dahil mababa ang kaalamang pampinansyal. Ito ay maiiwasan kung nag-aaral ka at nakikipag usap sa mga lisensyadong investment consultants.

Marami pang mga Financial Tips ang pwede mong malaman para maging matalino sa paghawak ng iyong kinikita. Hindi mahalaga kung maliit o malaki ang kinikita pero mas mahalaga ay kung gaano kalaki ang kaya mong itabi at kung paano mo ito mapapalago. Ang pagiging OFW ay isang privilege dahil nakakatulong ka sa paglago ng ating ekonomiya pero dapat ay tulungan mo din ang iyong sarili para makapaghanda ka din sa mga gastusin mo sa future dahil ang pagiging OFW ay hindi permanente dahil tayo ay tatanda, maaring magkasakit, ma-disable o di kaya ay dumating ang kamatayan. Mas lamang kung ikaw ay may  Financial Planning dahil siguradong mag-benefit ka ngayon at ganun din sa kinabukasan.

 

Reference:

http://business.inquirer.net/224635/ofw-remittances-hit-record-high-2016

 

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
4th floor Karina Bldg., No. 33 Shaw Blvd. Pasig City
Tel No. 571-3274
Mobile Number. 0917-5769607
Savings,Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance,stock market
Share this Story:
  • facebook
  • twitter
  • gplus

About Archie Yuki

Si Archie Yuki ay advocate ng Financial Literacy. Marami na syang natulungan na mga Filipinos na pahalagahan ang importansya ng Financial Planning sa pamamagitan ng pag-save, pag-insure, pag-invest at pag-preserve ng assets. Siya ay qualified para matulungan kang makagawa ng Financial Plan para sa mga financial goals mo para sa future. Pwede mong paghandaan ang iyong Retirement, paghahanda para sa edukasyon sa iyong mga anak, makaipon para pag-pondo sa iyong negosyo na pinaplano, health funding at marami pang iba.

Naniniwala si Archie na ang mga Pilipino ay dapat matuto na mag-save at mag-invest na hindi na lang palaging gastos ang uunahin sa tuwing kumikita. Sa pamamagitan ng Financial Planning ay maaring makamit ng mga Pilipino ang mga pangarap na pam-pinansyal para sa magandang kinabukasan.

Nakikita nya sa pamamagitan ng pangka-alamang pampinansyal ay maaring mabawasan ang mga mahihirap sa ating bansa. Hindi lang puro ang mayayaman ang pwede umasenso pero kahit mahirap ay pwede umasenso sa pamamagitan ng Financial Planning.

Nag-conduct sya ng Financial Literacy seminars sa mga schools, government offices, Barangay Halls, at sa mga private offices.May lisensya sya bilang Financial Planner. Accredited trainer sya ng Life Insurance Licensure Exam at Variable Unit Linked Licensure Exam.Sya ay certified Overseas Filipinos Workers Specialist na nag-specialize para mapalago ang kanilang pera. Sya ay Certified Investment Solicitor.

Sya ay accredited Health Insurance Specialist at Non-Life Insurance Specialist. Sya ay resource speaker ng The Advocacy Group or SOLA-TAG na patungkol sa Financial Planning.

Leave a comment

Comment