Feb.05

7 Financial Tips Para Sa Couples

7 Financial Tips Para Sa Couples
Ang nagsasama na couple ay mainam na mayroong parehong kaalaman sa paghawak ng finances upang lalong tumibay ang pagsasamahan. Isa sa mga dahilan ng paghihiwalay ng couples ay problema sa pera. Ito ay hindi madali pag-usapan kaya pag lumaki na ang problema ay mahirap na itong ma-solusyunan hanggang sa mauwi na sa paghihiwalayan. Sa aking pananaw ay hindi dapat mangyari  na maghiwalay ang nagsasama dahil lamang sa away sa pera. Kaya mahalaga ang tamang kaisipan sa paghahawak ng kaperahan na kung saan ito ay magagamit ng tama at maari pang mapalago para matupad ang mga pangarap sa buhay. Sa blog na ito ay gusto ko magbahagi ng Financial Tips na magandang gawing kasanayan ng isang nagsasama.

1. Magkaroon ng bukas na komunikasyon ang bawat isa patungkol sa pera. Maganda na malaman ng bawat isa ang estadong pampinansyal at ang ugali sa paghawak ng pera. Dito ay malalaman kung magkano ang kinikita ng bawat isa, may utang ba na binabayaran, mga gustong bilhin sa hinaharap, mga gastusin sa bahay at marami pang iba. Dito ay makikita at maiintindihan ang sitwasyong pampinansyal na pareho nila mapagkakasya ang perang meron sila.

2. Matuto mag-allocate ng kinikita para sa  gastusin. Ang focus ba na gastos ng mag asawa ay needs or wants?  Dapat malaman ng nagsasama kung kanino ba matotoka ang mga gastusin. Gastusin tulad ng pambayad sa kuryente,tubig,upa,tuition fees ng mga anak,utang na binabayaran, gastusin sa bakasyon, at iba pa. Ito ay depende sa kinikita ng nagsasama. Maaring ang isa lamang ang naghahanapbuhay o kaya naman ay parehong kumikita.Maganda na ito ay malinaw at mapagkasunduan sa simula pa lang ng pagsasama. Dito ay mamo-monitor ng mag-partner na ang gastusin ba nila sa bahay ay napupunta ba sa mga importanteng gastusin at hindi sa luho lamang.

3. Magkaroon ng kasanayan na laging nag-iipon ang mag-partner. Malaki man o maliit ang kinikita ay hindi dapat kalimutan na unahin muna ang magtabi ng pera bago gumastos. Ang ideal na dapat ipunin sa tuwing kumikita ay 10%-20% at magbuo ng buffer fund na 3 buwan ng gastusin ng mag asawa. Halimbawa ang gastos sa isang buwan ay Ph20,000 ay meron silang buffer fund na Ph60,000 na nasa savings account na madali ma-withdraw. Magagamit ang buffer fund kung sakaling magkaroon ng gastusin na di inaasahan tulad pagkasira ng mahalagang gamit sa bahay, biglaang may nag-kasakit, biglaang gastusin sa eskwelahan ng anak at marami pang iba.. Ang pag-iipon ay paraan upang mabayaran ang ating sarili para may magamit na pera sa gastusin sa future.

4. Kumuha ng life insurance coverage ang bawat isa na nagsasama. Maganda na protektado ang bawat isa na kung sakaling may dumating na panganib sa buhay tulad ng pagkakasakit,maaksidente o kaya ay pumanaw ay may benepisyo na makukuha ang maiiwanan. Ang life insurance coverage ay nakakapagbigay ng peace of mind dahil kung sakaling dumating ang panganib sa buhay ay kontrolado ito kung paano makaka-apekto sa buhay. Marapat na lagi ina-update ang life insurance coverage ng mag-asawa dahil nag-iiba ang estado ng buhay at maaring hindi na pala sapat ang life insurance coverage na mayroon ang mag-partner.

5. Matutong mag-invest. Maganda na ang nagsasama ay parehong naiintindihan ang kahalagahan ng pag-iinvest dahil mapalago nito ang pera para may magamit na pera sa gastusin sa hinaharap. Dito ay may magagamit na pera na pang gastos sa pangkolehiyo ng mga anak, may pondo na magagamit pag pareho na silang tumanda,bibili ng sariling property at marami pang iba. Ang mga financial instruments na pwede paglagyan ay money market,bonds,equities,real estate at stock market.

6. Mag desisiyon kung ano ang epektibong paraan kung paano magagamit ang pera ng mag-partner. Alamin kung sino sa dalawa ang mahusay mag-budget,mag-invest,magbayad ng mga utang at iba pa para hindi masayang ang kinikita. Maaring epektibo sa mag asawa na ang kinikita nilang dalawa ay pagsasamahin ito o kaya ay paghiwalayin nila at maghati sa mga gastusin.Sino ang may final na desisyon kung may bibilhin na bagay lalo na yung mga malalaki at mahahalagang bilihin? Isa lang ba ang magdedesisyon? Mutual ba ito? Dapat ay maintindihan ito upang walang magiging pagtatalo pagdating ng araw.

7. Matuto na maging entrepreneurial. Sa patuloy na pagtaas ng bilihin ay maganda na matuto ang mag-partner na maghanap ng ibang pagkakakitaan bukod sa kanya-kanyang trabaho upang maitawid ang mga pangangailangan at mas madaming ma-save at ma-invest na pera. Maaring magbenta ng mga bagay na mabili tulad ng pagkain,damit,services o di kaya ay sumali sa mga kumpanya na nagdidistribute ng mga legal na produkto. Isa dito ay ang pagiging Financial Adviser ng Insular Life na maari kang mag part time na magshare ka ng kahalagahan ng pag-iipon,pag-insure at pag-iinvest. Nakatulong ka na tapos kumikita ka pa.

Sa pagsasamang mag-asawa ay dapat maintindihan natin na kung anong meron ka at ang meron ang asawa mo ay sa inyo na yun pareho kaya maganda na ito ay magamit ng tama para ma-sustain at magamit ito hanggang sa future. Isipin natin na ang pagsasama ay tulad ng isang negosyo na iniingatan ang mga pumapasok na pera at lumalabas na pera para hindi ito magsara o kaya ay malugi. Ganun din sa mga couples na dapat mapahalagahan ang perang natatanggap mula sa pinaghirapan sa paghahanapbuhay kaya maganda na i-practice ang mga financial tips na ito.

Maraming salamat sa pagbasa ng blog ko.

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
EagleOne District Office Insular Life
6th floor I-Care Bldg. 167 Legaspi Street corner Dela Rosa Street
Legaspi Village Makati City
Mobile Number. 0917-5769607
Landline No.: 02-622-4328
Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance,Financial Literacy
Share this Story:
  • facebook
  • twitter
  • gplus

About Archie Yuki

Si Archie Yuki ay advocate ng Financial Literacy. Marami na syang natulungan na mga Filipinos na pahalagahan ang importansya ng Financial Planning sa pamamagitan ng pag-save, pag-insure, pag-invest at pag-preserve ng assets. Siya ay qualified para matulungan kang makagawa ng Financial Plan para sa mga financial goals mo para sa future. Pwede mong paghandaan ang iyong Retirement, paghahanda para sa edukasyon sa iyong mga anak, makaipon para pag-pondo sa iyong negosyo na pinaplano, health funding at marami pang iba.

Naniniwala si Archie na ang mga Pilipino ay dapat matuto na mag-save at mag-invest na hindi na lang palaging gastos ang uunahin sa tuwing kumikita. Sa pamamagitan ng Financial Planning ay maaring makamit ng mga Pilipino ang mga pangarap na pam-pinansyal para sa magandang kinabukasan.

Nakikita nya sa pamamagitan ng pangka-alamang pampinansyal ay maaring mabawasan ang mga mahihirap sa ating bansa. Hindi lang puro ang mayayaman ang pwede umasenso pero kahit mahirap ay pwede umasenso sa pamamagitan ng Financial Planning.

Nag-conduct sya ng Financial Literacy seminars sa mga schools, government offices, Barangay Halls, at sa mga private offices.May lisensya sya bilang Financial Planner. Accredited trainer sya ng Life Insurance Licensure Exam at Variable Unit Linked Licensure Exam.Sya ay certified Overseas Filipinos Workers Specialist na nag-specialize para mapalago ang kanilang pera. Sya ay Certified Investment Solicitor.

Sya ay accredited Health Insurance Specialist at Non-Life Insurance Specialist. Sya ay resource speaker ng The Advocacy Group or SOLA-TAG na patungkol sa Financial Planning.

Leave a comment

Comment