Jun.28

Tips Paano Makakaalis sa Utang

Nakaka-stress talaga kapag baon ka na sa utang. Halos lahat ng kinikita mo ay napupunta na lang sa pagbabayad mo ng utang tapos sa pagbabayad mo ay hindi mo ramdam ang pagliit nito dahil pumapatong pa ang interest. Meron naman dahil sa pagkakautang ay nagkakasiraan na ng relasyon ang magka-kaibigan,magka-negosyo,magka-opisina at pati pa mag-asawa.

Marami sa atin ang nahuhulog sa pagkakabaon sa utang dahil sa maling desisyon ng paghawak ng pera. Kung tayo ay uutang ay ideal na ang ipambabayad mo kada buwan ay hindi aabot ng 30% ng iyong buwanang kita. Halimbawa, kung kumikita ka ng neto na Ph50,000 kada buwan ay  todo na ang Ph15,000 na ipambabayad mo sa iyong utang. Kaya, bago ka umutang ay i-assess muna kung ang ipambabayad mo sa utang mula sa iyong sweldo o kita ay mas mababa sa 30% dahil talagang mai-stress ka at maiipit ka na at di mo na mapalago ang iyong kinikita.

Narito ang ilang mga tips kung paano makakaalis sa pagkabaon sa utang:

1. Maging organisado. Ilista ang lahat ng mga gastusin. Paghiwahiwalayin ng maayos ang Needs at Wants para unahin kaagad ang pagbabayad ng utang. Mas mabilis bayaran ang utang ay mas maganda.

2. Mag-sakripisyo ng konting panahon para tapusin ang utang. Alamin na may katapusan ang pagkabaon sa utang kaya gumawa ng plano kung magkano ang dapat ilaan na ipambabayad buwan-buwan.

3. Unahin bayaran ang may pinakamalaking interest na utang. Mas lakihan ang pagbabayad dito para matapos kaagad at huwag malubog sa interest na nagpapatong patong. Maging committed sa pagbabayad.

4. Gumawa ng paraan na madagdagan ang kita para may maipambayad sa utang. Maaring magbenta ng pagkain, maghanap ng part-time job,mag-aral ng panibagong skills at marami pang iba. Dito ay mas mapapabilis bayaran ang mga utang dahil magkakaroon na ng extrang pera.

5. Putulin ang mga subscriptions na pwede mo muna bitawan o bawasan pansamantala para ma-focus ang pagbabayad sa utang. Halimbawa, kung may mas mababang rate sa mobile subscription or cable subscription na pwede mo munang pababain o putulin ay mainam na gawin.

6. Kung may bonus o incentive na nakuha ay mainam na ibayad ito kaagad sa utang. Makakatulong ito para makaiwas sa interest ng iyong utang.

7. Makipag-usap sa isang lisensyadong Financial Adviser para ma-guide ka kung paano ka makakaalis sa pagkabaon sa  pagkakautang. Bibigyan ka ng sistema na dapat mong sundin para ma-solusyunan ang problema.

8.Laging manalangin sa Dios na bigyan ka ng galing at talino para maalis ka sa pagkakautang.

Naisin natin na tayo ay makaalis sa pagkakautang dahil ito ay hindi maganda makasanayan lalong lalo na kung ito ay bad debts na ang inutang mo ay pababa ang value. Sa tuwing uutang ka ay sinasangla mo na ang kikitain mo sa hinaharap at ikaw ay matatali na. Kaya, sa tuwing tayo ay bibili ay maganda na bayaran mo ito ng cash kung makakaya naman. Lagi nating isipin natin na maganda ang delayed gratification kesa sa instant gratification.

Maraming salamat sa pagbasa ng aking blog. Bayaran mo na ang utang mo.

Archie M. Yuki
Financial Planner, Certified Investment Consultant and Insurance Specialist
EagleOne District Office Insular Life
6th floor I-Care Bldg. 167 Legaspi Street corner Dela Rosa Street
Legaspi Village Makati City
Mobile Number. 0917-5769607
Landline No.: 02-622-4328
Personal Finance,Financial Planning,Financial Literacy

Jun.12

See your Financial Planner

Ang pagiging Financial Planner ay isang lisensyadong propesyon. Kinakailangan mong mag-aral ng madaming oras, umattend ng seminars, umattend ng meetings, gumastos ng pera at kailangan mong ipasa ang iba’t-ibang examination na hinihingi ng gobyerno bago ka maging Financial Planner. Ang propesyon na ito ay maitutulad mo sa hanay ng mga doktor, dentista, architect, engineers, at iba pang profession na may lisensyang hinihingi ang gobyerno bago mo magawa ang nasabing propesyon. Kaya hindi nakakapagtaka na may mga Financial Planners na kumikita ng hindi bababa sa milyong piso sa isang taon dahil sa pag seserbisyo sa kapwa Pilipino patungkol sa Financial Planning.
Personal Finance,Financial Planning,Life Insurance,Financial Literacy