May.02

Intermittent Budgeting

Hirap ka ba mag-budget at di ka makapag-save? Bakit hindi mo gawin ang Intermittent Budgeting?Usong-uso ang intermittent fasting ngayon,bakit di mo din gawin ang intermittent budgeting? Nakaka-stress talaga ang mag budget kasi sa dami ng gastusin sa pang araw-araw. Oo, pwede ka pa din makapag-ipon kung gagawin mo ang intermittent budgeting. Narito ang isang paraan na pwede mong gawin para makapag-ipon ka ng epektibo sa pamamagitan ng intermittent budgeting.

Ang prinsipyo ng intermittent fasting ay may nakatakda kang panahon kung kelan ka kakain at hindi kakain. Sa panahon na kakain ka ay pwede mong kainin ang gusto mong kainin pero sa panahon na hindi ka kakain ay di ka dapat kumain. Makikita mo na ito ay may magandang benepisyo sa iyong kalusugan.

Ngayon, sa intermittent budgeting ay ganun din ang gagawin mo. Mas magandang sa tuwing kikita ka ay alam mo kung kelan ka gagastos at hindi gagastos dahil may susundin ka na formula. Ang formula na gagawin mo na susundin ay Income-Savings=Expenses. Dito ay dapat alam mo na sa panahon na matanggap mo ang kita mo ay alam mo kung kelan at saan mo gagastusin ang pera mo. Sa simula pa lang ay dapat alam mo na ang unang mong gagawin na mag-save ka muna mula 10%-20% ng iyong kita at 70%-80% ay mapupunta sa expenses.

May disiplina ka kung kelan mo gagastusin ang pera mo na may alokasyon na kung saan ito mapupunta.  Halimbawa, alam mo kung kelan ka magbabayad ng bills,kakain sa labas,pambayad sa upa, matrikula ng mga bata, pambili ng grocery, at iba pa. Dito ay may disiplina na hindi mo na gagalawin ang savings mo. May panahon na gagastos ka at may panahon din na hindi ka na dapat gagastos.

Ang benepisyo ng intermittent budgeting ay magdudulot ng magandang kasanayan na uunahin mo muna ang mag-save bago ka gumastos.Makikita mo na pag lumalago na ang savings mo ay maari ka na mag-diversify. Maari ka na makabili ng life insurance para maprotektahan mo ang sarili kapag may mga panganib na dumating sa buhay mo tulad ng pagkakasakit,pagka-aksidente o kaya ay pagkamatay. Bukod pa dito ay dahil sa pag-iipon mo ay magkakaroon ka na din ng pagkakataon na makapag-invest para mapalago mo naman ang pera mo.

Mahihirapan ka na gawin ito kung hindi mo papraktisin ang intermittent budgeting na uunahin mo muna ang pag-iipon bago ka gumastos at alam mo kung kelan ka gagastos at hindi gagastos. Hindi mo naman kelangan lagi mag-budget dahil talagang maii-stress ka pag araw araw ka pa magba-budget,kaya maganda na gagawin mo ang budgeting sa panahon na matatanggap mo ang kita mo ay dun ka na mag-budget hanggang sa susunod na kita  mo ay may disiplina ka kung saan dapat napupunta ang pera mo.

Ngayon dahil naiintindihan mo na ang benepisyo ng intermittent budgeting ay maganda na simulan mo na at makikita mo ang magandang benepisyo ng pag-iipon at magsimula ng iyong Financial Planning para maabot ang iyong mga Financial goals sa buhay.

Savings,Personal Finance,Financial Planning,Financial Literacy