Ang mga benepisyo ng Life Insurance
Kapag napaguusapan ang life insurance ay ang madalas na nasasabi ng mga nakakausap ko sa umpisa ay hindi pa naman sila mamamatay, bata pa sila para kumuha nyan, madami pang gastos kaya tska na lang, healthy naman sila at kung anu ano pa na madalas na pagkakataon ay binabalewala lang at ginagawa pang biro ang kahalagahan ng life insurance.
Pero dahil naiintindihan ko ang kahalagahan ng life insurance ay tuloy tuloy pa din ako sa pagbahagi ng impormasyon tungkol dito hanggang sa maintindihan ito ng mga nakakausap ko. Alam ko na kulang pa ang kaalamang pampinansyal ng mga Pilipino kaya karamihan sa atin ay isinasantabi pa ang kahalagahan ng life insurance. Mapapansin mo na sa sampung kakilala mo ay maaring isa o dalawa lang sa atin ang may life insurance. Kaya karamihan sa atin pag may mga panganib na dumadating sa ating buhay ay hindi tayo handa pampinansyal.
Ang panganib sa ating buhay ay hindi maiiwasan kaya dapat ito ay ating ding paghandaan sa pamamagitan ng Life Insurance. Ito ay dapat na maisama natin sa ating budget dahil ito ay may malaking benepisyo na maibibigay sa atin kung mangyari man ang kamatayan, pagkakasakit, pagkabaldado at katandaan. Ito ay ang magbibigay ng pera na kelangan natin para matustusan ang mga gastusin patungkol sa mga panganib na pwedeng dumating sa ating buhay.
Ating alamin ang mga benepisyo na makukuha kapag may life insurance:
1. Death Benefit. Kung ang isang indibidwal ay namatay ay may makukuhang pera ang mga naiwan na mahal sa buhay. Itong pera na ito ay magagamit para makapag patuloy ng pamumuhay ang pamilyang naiwan para hindi tuluyang maghirap. Ang death benefit ay maaring magamit sa pagpapatuloy ng pag aaral ng mga anak, pambayad sa utang, pambayad sa estate tax at pang-gastos sa pang araw-araw ng pamilyang naiwanan.
2. Living Benefit. Ito ay magagamit ng isang policy holder habang siya ay nabubuhay. Maari syang mag-withdraw mula sa kanyang Fund Value para may magamit sa pang-gastos sa future. Ang kanyang pera ay maaring lumago mula 10%-12% bawat taon long-term dahil ito ay ilalagay sa pooled fund na naka-invest sa stock market. Maari kang makapili kung anong pooled fund mo pwede ilagay ang iyong pera depende sa mapipili mo kung high risk o low risk ka.
3.Riders. Ito ay ang mga dagdag na benepisyo na makukuha mo sa life insurance. May mga mapagpipilian ka na riders para madagdagan ang iyong proteksyon bukod sa life insurance. Ito ay ang mga Accident Death Benefit,Hospitalization Benefit, Dread Disease Rider,Waiver of premium, Payor’s Rider, at Indemnity Rider. Ang mga riders na ito ay may mga benepisyo na pwede magamit pag kinailangan. Ang isang halimbawa nito ay ang Hospitalization Benefit na pag na ospital ay may makukuha na pera para maipambayad sa ginastos sa ospital.
Ang life insurance ay dapat na isama natin sa ating budget dahil ito ang magbibigay ng income kapag nagkasakit, na-disable at kung mamatay ay mayroong makukuhang benepisyo na magagamit.Hindi lahat tayo ay pwede magka life insurance dahil maaring may sakit na, ma- edad na at maaring dahil wala tayong hanapbuhay para ipambayad.
Kung ating mapapansin kung tayo ay may kinikita man ay hindi natin ito sinasama sa ating budget kaya dapat kung tayo ay kumikita ay maigi na proteksyunan muna natin ang ating sarili. Mas maganda na habang tayo ay naghahanap buhay ay mayroon tayong peace of mind na pag dumating ang mga hindi inaasahang pangyayari ay meron tayong mapagkukunan mula sa ating life insurance policy. Kaya maganda na ating paglaanan ang life insurance mula sa ating mga kinikita.
Mas makakatipid ka kung ikaw ay may life insurance kumpara kung sa wala kang life insurance kapag may mga panganib na pwede mangyari sa ating buhay kaya mas magandang kumuha habang bata at nasa magandang kalusugan pa. Ako ay umaasa na pagkatapos mong basahin ang aking blog ay maintindihan mo ang kahalagahan ng life insurance.